Si Jordan Belfort, ang tao sa likod ng patok na Hollywood movie “The Wolf of Wall Street,” ay nakipagsosyo sa Brag House, isang esports platform para sa mga college gamers, para mag-host ng isang online collegiate Valorant competition na ang tawag ay The Wolf Bowl tournament. 

Mananalo ang mga winners ng isang trip papuntang Miami kung saan makakasama nila ang mismong Wolf of Wall Street. 

Sino si Jordan Belfort ng The Wolf of Wall Street? 

Valorant Wolf of Wall Street Jordan Belfort Brag House
Credit: Brag House

Siya ay isang American entrepreneur at dating stockbroker na sumikat bilang founder ng brokerage house Stratton Oakmont. Ang kaniyang 2007 memoir, “The Wolf of Wall Street,” ay sikat na inadapt para gawing 2013 film na dinirekta ni Martin Scorsese at pinagbidahan ni Leonardo DiCaprio. 

Isang tagumpay ang movie at nanalo ng nominations sa limang kategorya sa 86th Academy Awards. 

Ano ang Wolf Bowl Tournament? 

Valorant Wolf of Wall Street Jordan Belfort Brag House
Credit: Brag House

Para sa mga up-and-coming competitive gamers na gustong gumawa ng pangalan para sa sarili nila ang kompetisyon na ito. 16 collegiate teams ang lalahok sa tournament para sa isang weekend trip patungong Miami mula June 3 hanggang 5. 

Makakaranas ang winning team ng isang “Dine Like A Wolf” night sa June 3, kung saan sila ay makakakain sa isa sa mga eksklusibong dinner spots ni Belfort. Sa June 4, “Live Like A Wolf” naman ang winning team kung saan makakasama nila si Belfort buong araw. Sa wakas, makakatanggap din sila ng pisikal o isang kakaibang virtual trophy. 

Maglalaban-laban ang mga teams sa isang single-elimination knockout formula kung saan lalaruin ang lahat ng matches sa best-of-three series, maliban sa Grand Final na magiging best-of-five match. Gaganapin ang tournament sa April 21 hanggang 30, at lahat ng matches ay online. 

Para sa mga interesado sumali sa tournament, maari kang mag-sign up nang libre sa website ng Brag House

Ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na article, The real Wolf of Wall Street and Brag House are hosting a Valorant tournament.