Hindi pa nabibigay ng X10 Crit sa kanilang mga players ang mga proceeds galing sa Valorant Champions skin bundle, sinabi ni Thanamethk “CrwS” Mahattananayut sa ONE Esports sa isang interview. Ang dating X10 Crit player ay nasa XERXIA Esports na ngayon, matapos lumipat ng buong roster noong January. 

Sinabi ng organisasyon na makakatanggap sila ng 10 percent cut sa kinita ng Champions bundle, ayon kay Crws. 

Sinabi ni Crws na hindi nakatanggap ang mga dating X10 Crit players ng kanilang 10 percent revenue cut galing sa Valorant Champions bundle 

Valorant Champions Vandal
Credit: Riot Games

Ang kinita sa Valorant Champions bundle ay hinati sa gitna ng Riot Games at ng mga lumahok na teams, kahit ano man ang kanilang maging placing sa Champions 2021. 

Pumatok ang bundle na ito at nakakuha ng US$18.7 na earnings para sa Riot Games, ayon sa isang Upcomer report noong Marso. Sinabi rin ng ulat na iyon ang revenue split ng ibang organisasyon sa kanilang mga players, kung saan walang binigay ang X10 Crit sa kanilang mga players. 

Ngunit nagduda ang ilang sources sa ulat na ito, at sinabi na binigyan ng X10 Crit ang kanilang playersang kanilang 10 percent cut sa mga kinita. 

Tinanggi ni Crws ang pahayag na ito at sinabi na walang natanggap na pera ang mga players mula sa kanilang dating organisasyon. 

Dinagdag pa niya na hindi binigyan ang mga players ng isang opisyal na kontrata para masigurado na may matatanggap sila mula sa Valorant Champions skin bundle. 

“It was communicated verbally to us that the organization was going to give us 10 percent,” paliwanag niya. “We actually didn’t know if they were going to deliver or not, but they did say they would give us 10 percent, although there was never any contract.” 

Valorant X10 Crit Valorant Champions
Credit: Riot Games

Sa ilalim ng XERXIA Esports, kinuha ng dating X10 Crit roster ang top spot sa VCT Thailand Stage 1 Challengers Main Event at umangat mula sa VCT APAC Stage 1 Challengers group stage. 

Lalahok na ang Thai team sa VCT APAC Challengers Knockouts, kung saan ang top two teams ay makakapasok sa unang Masters event ng taon sa Iceland.