Nagpapakilala na ang representante ng Southeast Asia na X10 sa mundo ng Valorant.
Matapos ang di inaasahang pagkabigo kontra Team Vikings, bumawi ang X10 laban sa Crazy Racoons, 2-0, sa lower bracket. Gamit ang epektibong post-plant strat at matinding firepower galing kay Patiphan, naibalik ng X10 ang kanilang grupo sa winning column.
Dala ng kanyang kulit at sigla sa stage, mahirap isipin na ang 17-taong gulang na si Patiphan Chaiyawong ay may labang hindi alam ng iba.
Sa isang exclusive interview kasama ang ONE Esports Thailand, ibinahagi ni Patiphan kung paano nagbigay ng pag-asa sa kanya ang paglalaro ng Valorant.
Suntok sa Buwan ang paglipat niya galing Overwatch papuntang Valorant
Hanap ni Patiphan ang apoy ng kompetisyon kahit pa noong musmos pa lamang ang Valorant pro. Sa katunayan, siya ang representative ng Thailand sa Overwatch World Cup noong 2018 at Overwatch Contenders. 14-taong gulang pa lamang si Patiphan noon.
Nakatakda ng maglaro para sa Paris Eternal sa Overwatch League si Patiphan ngunit dahil siya ay underage, naisalta muna siya sa reserve team ng grupo na Eternal Academy. Lilipad din dapat siya papuntang Paris ngunit ng dumating ang COVID-19 pandemic ay napurnada ang pangarap ng batang maging pro player.
“I love being in competitions, so that really broke me,” banggit ni Patiphan sa ONE Esports. “I lost my drive in those six months of doing nothing. I was so sad. I couldn’t sleep, I became really thin. I sunk into depression. I had to find something that made me better.”
Naging sagot ang Valorant sa kanyang mga katanungan. Kahit pa ramdam nyang eere na ang kanyang karera sa Overwatch ay pikit mata siyang lumipat sa bagong laro.
“I have been playing Overwatch for a while, I wasn’t sure if I should quit or continue,” dagdag ni Patiphan. “I didn’t know if there was a future with Valorant. I wasn’t confident in myself either. Will I be as good in a new game? With Overwatch, my career was more secure. With Valorant, it was starting from scratch.”
Ngunit dahil sa kanyang energy, sumugal si Patiphan at sumali sa kanyang unang Valorant team na Thailand Attitude na kalaunan ay nag-merge sa Thailand Esports para buuin ang MiTH Attitude.
Madaming naibulsang kampyonato ang MiTH tulad ng ESL Thailand Championship 2020 (First Strike: Thailand) bago dumungaw si Patiphan sa iba pang oportunidad.
Pagpapakilala sa mundo kasama ang X10
Nang tuluyan ng umere ang pangalan niya sa eksena bilang top player, kumatok ang X10 sa pinto ni Patiphan.
At first, a lot of people were worried about me because X10 trains really hard,” said Patiphan. “But I was used to training hard. I’ve gone through this before and I think every team should have the same standard that X10 has.”
Kasama ni Patiphan, binalagbag ng X10 ang VCT Sea Playoffs kung saan naturing ang grupo bilang top team ng Southeast Asia. Kahit pa dalawang buwan pa lamang magkakasama ang mga miyembro, nakasagupa na nila ang pinakamagagaling na team sa mundo. Aniya ni Patiphan, ito ang kanyang pinakamalaking panalo.
“Last year, I was at the worst point in my life. I didn’t want to get stuck,” he shared. “I just wanted to play. But now, I feel good. Everything’s coming back. Everything is moving in a better direction.”
Duelist? Controller? Sentinel? Kaya yan ni Patiphan
Matunog ang pangalan ni Patiphan dahil sa kanyang abilidad na kumuha ng maa high-value kills at ang kanyang role flexibility. Kaya naman madaming kumikilala sa kanya bilang breakout star ng Masters: Reykjavik.
Ang kanyang matikas na Jett plays kasama ang Sage ang nagbigay sa kanya ng libo-libong bagong mga tagahanga. Kahit pa si Tenz ng North American team na Sentinels ay bilib sa batang ito.
Sa lower bracket matchup nila kontra Crazy Raccoons, binulaga ni Patiphan ang kalaban gamit ang Viper, ang unang beses na gumamit si Patiphan ng agent sa isang official tournament.
Bukod dito, paborito ng fans ang Thai superstar dahil sa kanyang pagiging makulit. Walang makakalimot sa kanyang napakalupit na ginawang entrance.
Dahil sa magandang ipinakita ng X10 sa Iceland, maaasahan din ang napapalapit na pagratsada ni Patiphan sa mundo ng Valorant.