Sa kasamaang palad, hindi makakapaglaro sa VCT Stage 3 si X10 Patiphan Chaiwong. Inanunsyo ng breakout Valorant star ng SEA na pansamantala syang magpapahinga matapos nyang magtamo ng wrist injury, dahilan kung bakit hindi sya makakapaglaro ng ilang buwan.

May katagalan na ang wrist injury ni Patiphan, nakaapekto rin ito sa kanya sa Valorant world stage nang maglaro sya sa VCT Stage 2 Masters Reykjavik.


Naglaro si X10 Patiphan sa Masters: Reykjavik nang may wrist injury

“I’ve had tendon pain for six or seven months already, it’s been sore the whole time,” ibinahagi ni X10 Patiphan sa ONE Esports Thailand.

Sinabi nyang komunsulta na sya sa isang doctor at isang physiotherapist na nagtatrabaho sa esports, at nagreseta na sila ng gamut para makatulong sa pananakit. Makakasama nya ang mga ito sa kabuuan ng kanyang pagpapagaling.

Valorant X10EsportsDay4VCTStage2Masters
Credit: Riot Games

“The medicine reduces the pain, but it doesn’t go away,” sabi ni X10 Patiphan. “I’ll need proper rest to recover fully, and that means no wrist movement at all for about two months.”

Bagamat tiniis nya hanggang sa kanyang makakaya, lalo na noong Masters: Reykjavik, umabot na sa hangganan ang wrist injury ni Patiphan.

“I always resisted resting because I really wanted to play. When I don’t compete, I feel bad and I force it,” kwento Paitphan. “I just took medicine to lessen the pain, and that probably made it worse. This time, I need to rest. If I keep doing this, I might not be able to play ever again.”


Paano makakaapekto ang wrist injury ni Patiphan sa X10 Esports sa VCT Stage 3

Valorant Patiphan WristInjury
Credit: Patiphan on Twitter
Screenshot by Mika Fabella/ONE Esports

Sa haba ng kinakailangang oras para sa pagpapagaling ni Patiphan ay sasakupin nito ang kabuuan ng VCT Stage 3, pati na rin ang VCT Stage 3 Masters: Berlin.

“Honestly, I really want to play for VCT Stage 3, but I need the break and so I can go play again at the end of the year,” pahayag ni Patiphan.

Hiling ng ibang Valorant players ang paggaling ni Patiphan, kabilang na si Adil “ScreaM” Benrlitom ng Liquid at ang dance partner ni Patiphan sa Stage 2 Masters na si Jake “Boaster” Howlett ng Fnatic.

Nilinaw din ni Patiphan na mananatili sya sa X10 Esports, at pursigido syang bumalik na mas malakas sa Valorant World Championship sa pagtatapos ng taon.

Samantala, ang X10 Esports ay kasalukuyang nasa lower bracket ng VCT Stage 3 Challenger Thailand. Ang coach ng X10 Esports na si Yuttanagorn “Zeus” Kaewkongyai muna ang papalit kay Patiphan habang sya ay nagpapagaling.