Sa pagdiriwang ng VCT APAC Stage 1 Challengers Playoffs, makikpag-collaborate ang Riot Games sa Filipino-Australian artist na si Ylona Garcia, na magpapakita ng isang exclusive performance sa huling araw ng knockouts.
Ang mga fans ay magkakaron din ng pagkakataon na makilala ang talentadong singer at songwriter sa isang virtual backstage AMA session na pangungunahan ni Amanda “Maggiekarp” Zamora ng Tier One Entertainment.
Ylona Garcia ipe-perform ang ‘Entertain Me’ sa VCT APAC Stage 1 Challengers Playoffs Knockouts
Si Ylona Garcia ang artist sa likod ng “Entertain Me”, ang theme song sa cinematic trailer ni Neon na nakalikom ng halos 8 million views mula nung una itong ilabas, ayon sa Riot Games.
“It’s an incredible honor to have ‘Entertain Me’ be the anthem for Neon. It means so much to me to be able to highlight the Filipino culture alongside the introduction of Neon,” sabi ni Garcia. “The fans’ love for the song makes me even more excited to perform it at VCT, and I’m truly grateful to how they’ve embraced not only the song but me as an artist as well.”
Ang nasabing performance ay nakatakdang maganap sa Sunday, March 27, ang huling araw ng sa VCT APAC Stage 1 Challengers Playoffs Knockouts.
Paano sumali sa ‘Entertain Meet’ AMA ni Ylona Garcia sa VCT APAC Stage 1 Challengers Playoffs
May ilang masuswerteng mapipiling Valorant esports fans ang magkakaroon ng pagkakataong ma-meet si Ylona sa virtual backstage AMA session.
UPang makasali sa draw, narito ang kailangang gawin:
- I-like at i-share ang Facebook post ng Tier One Entertainment.
- Mag-iwan ng comment na may sagot sa tanong na: Ano ang pinaka-entertaining na video game moment ang naranasan o napanood mo?
- Mag-tag ng dalawang friends at samahan ng hashtag na #EntertainMeet.
Ang Tier One ay mamimili ng 12 winners sa March 22.

Ano ang VCT APAC Stage 1 Challengers Playoffs?

Ang tournament na ito ay isang multi-regional competition tampok ang pinakamahuhusay na Valorant teams mula sa Thailand, Philippines, Indonesia, Vietnam, Singapore, Hong Kong, India, at Australia.
Ang walo sa pinakamagagaling na teams ay maglalaban-laban para sa dalawang spots sa kauna-unahang Masters event ng taon sa Iceland kung saan sila ang kakatawan sa APAC region.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.