Nagkaroon ng isang minor na aksidente ang controller main ng Sentinels na si Jared “zombs” Gitlin bago nagumpisa ang kanilang mga laban sa VCT Stage 3 Masters Berlin.
Mabuti naman at hindi na kinailangan maghanap ng kapalit ang mga reigning kings ng Valorant dahil minor scratches lang ang nakuha ni zombs at nakapaglaro pa siya. Ngunit nasira ang kaniyang Rolex watch, ayon sa kanilang team captain na si Shahzeb “ShahZaM” Khan.
Naibahagi ang storya sa Twitch stream ni ShahZam, at sa isang interview ng ONE Esports kasama si Tyson “TenZ” Ngo.
Ang minor accident ni zombs ng Sentinels sa VCT Stage 3 Masters Berlin
Nagpasya si zombs at si Michael “dapr” Gulino na gumala sa Berlin sakay ang mga electric scooters. At doon na nangyari ang aksidente kung saan nahulog sa kaniyang scooter ang controller main ng Sentinels.
Noong lumahok sa kompetisyon si ShahZam sa Berlin noong nakaraang dalawang taon, pinagbalaan na siya ng kaniyang manager na huwag gumamit ng electric scooters para maiwasana ang mga aksidente. Kahit na pinagbalaan din ni ShahZam ang kaniyang team, na-peer-pressure si zombs ni dapr na sumakay sa electric scooters para pumasyal.
Noong tinanong ng ONE Esports kay TenZ ang aksidente, sinabi niya, “Apparently, he was going fast and he hit a hole on the sidewalk, and proceeded to fall and scrape himself.”
Sa kabila ng minor injury ni zombs, nakapaglaro pa din siya laban ang mga pinakamahusay na Valorant players ng mundo. Natalo ng Sentinels ang G2 Esports sa kanilang opening match, ngunit natalo sila sa rematch.
Nagbigay rin sila ng dalawang talo sa Group D, at umusad sila sa VCT Stage 3 Masters Berlin playoffs.

Ngunit natalo sila sa Team Envy, 2-0, sa quarterfinals sa isang North American showdown, at nag-drop out na sila sa kompetisyon.