Pilipinas, loud and proud.  

Tiyak na masaya at proud ang mga Pinoy esports fans matapos maiuwi ng SIBOL Wild Rift team, ang national esports team ng Pilipinas, ang kauna-unahang gold medal para sa bansa sa ika-32 Southeast Asian Games (SEA) Games sa Cambodia. 

Natalo ng Pilipinas ang defending champions na Vietnam, 3-1, sa isang best-of-five na serye sa upper bracket finals.  

Chammy: Maging proud kayo na ni-rerepresent niyo ang bansa niyo

Wild Rift SIBOL SEA Games Chammy
Credit: ONE Esports Philippines

Para sa Team Sibol Baron laner na si Chammy “Chammy” Nazarrea, dama niya ang pressure dahil ito ang kaniyang unang major esports tournament. 

Ngunit hindi niya pinairal ang kaniyang kaba dahil nagwagi ang kaniyang team para masungkit ang unang gold medal ng bansa sa SEA Games.  

“Para sakin, pressure ako, kasi normal lang ma-pressure since bata pa ako, and sobrang memorable sa’kin kasi unang tournament ko na malaki, SEA Games, tapos na-represent ko pa yung country ko para sa big medal, gold medal,” sabi ni Chammy.  

Alam din niyang malaking sakripisyo ang kaniyang ginawa para makarating sa punto na ito, matapos ibahagi na tinigil niya muna ang kaniyang pag-aaral pansamantala para gaming. 

“Para sa’kin kasi, mas love ko yung game, at yung studies pwede ko balikan anytime, eh yung esports kasi limited lang, and sa age ko sobrang fit ko sumali sa esports,” ani ng baron laner.  

Talagang malakas na umpisa para sa Pilipinas ang binigay ng SIBOL Wild Rift team sa SEA Games.  

Ang payo ni Chammy para sa buong SIBOL PH squad na sasabak pa lang? Tatagan ang loob. 

“Lakasan niyo palagi, alam niyong Pinas ang pinaka-malakas sa lahat, at maging proud lang kayo na ni-rerepresent niyo ang bansa niyo,” sabi ni Chammy.  

Unang beses nakamit ng SIBOL Wild Rift team, na binubuo nina Chammy “Chammy” Nazarrea, Aaron “Aaron” Bingay, Golden Hart “DemonKite” Dajao, at Reniel “Dr4w” Angara, na pinamunuhan ni Coach Van “Vansu” Alfonso,” ang gold medal sa SEA Games matapos ang kanilang di kaaya-ayang performance last year kung saan hindi sila umusad mula sa group stage.  

Sundan ang ONE Esports Philippines para sa karagdagang balita tungkol sa SEA Games, Wild Rift, at SIBOL.