Ang magandang balita ay na-nerf na ang S-tier champion ng League of Legends: Wild Rift na si Akali. Ang masama ay nabigyan din siya ng buff. At kung titignan ang overall impact ng mga pagbabagong ito, mukhang mas lalo siyang lumakas matapos ang Wild Rift patch 2.3.
Base sa patch notes na inilabas ng Riot Games, ipinaliwanag na sobrang imba ang impact ng Akali sa early game. “Akali is frustratingly strong in the early game, but also a bit difficult to play.” Matatandaang siya ang isa sa mga high skill cap champions sa Wild Rift.
Mga adjustments kay Akali sa Wild Rift patch 2.3
Base Stats
- Binawasan ang Base HP galing 650 papuntang 570
- Tinaasan ang HP per Level galing 115 papuntang 125
- Tinaasan ang Total HP sa level 15 galing 2260 papuntang 2320
- Binabaan ang Armor galing 35 papuntang 30
First ability – Five-Point Strike
- Tinaasan ang energy galing 95/90/85/80 papuntang 130/110/90/70
Second ability – Twilight Shroud
- Nagbabalik ng 80 Energy
- Nagtataas ng Total Energy ng 80 kapag aktibo ang shroud
Third ability – Shuriken Flip
- Binawasan ang Shuriken base damage galing 40/80/120/160 papuntang 30/60/90/120
- Binabaan ang Shuriken AD ratio galing 0.35 papuntang 0.25
- Binabaan ang Shuriken AP ratio galing 0.5 papuntang 0.3
- Pinataas ang Dash base damage galing 40/80/120/160 papuntang 70/120/170/220
- Tinaasan ang Dash AD ratio galing 0.35 papuntang 0.5
- Tinaasan ang Dash AP ratio galing 0.5 papuntang 0.8
Ultimate – Perfect Execution
- Hindi na physical damage ang first cast. Magic damage na ito.
- (Bago) First Cast AP ratio: 0.3
- Binabaan ang Second Cast AP ratio galing 0.5 papuntang 0.4
- Binabaan ang Max AP ratio galing 1.5 papuntang 1.2
Paliwanag at analisis sa mga pagbabago kay Akali
Madaming kailangang ipaliwanag sa bagong dating na patch. Unang-una dito ang, binabaan na ang base HP ni Akali pero tinaasan naman ang HP per level. Kaya pagtungtong ng level 15, ang total HP niya ay mas mataas kumpara sa dati.
Subalit, mas mababa na ngayon ang armor niya. Sa dating 35 na armor ni Akali, ibinaba ito sa 30 kaya naman mahihirapan siya sa laning phase katapat ang Zed at Yasuo sa mid, o kaya naman kay Darius at Garen sa Baron lane.
Ang kanyiang unang ability na Five-point strike ay talagang pinahina lalo na sa level one. Tumaas ito ng 35 energy mula sa dating energy cost kaya naman hindi na masyadong ma-iispam tulad ng dati. Direkta din itong nakakaapekto sa kanyang early game damage at wave clear.

Kahit pa mababawi ng Twilight Shroud ang 80 energy, hindi maaring palagiang gamitin ng Akali players ito kung hindi cooldown.
Ang magandang pag-usapan sa Wild Rift patch 2.3 ay ang pag-buff sa Shuriken Flip dash damage ni Akali. Ang AP at AD ratio ay medyo nabawasan, pero ang dash base damage at ratios ay tumaas ng todo. Ibig sabihin din nito na kapag tumama ang Shuriken sa kalabang champion, malaki ang impact nito sa laro.
Kagaya ng pamamaraan ng Riot na balansihin ang Akali sa Leage of Legends PC, ginawang pure magic damage ang first cast ng kanyang ultimate. Kaya naman mas magiging prayoridad ng mga tank players na kumuha ng magic resistance items laban sa kanya.

Kung titignang maigi, makikitang may net buff sa Akali pagtungtong ng late game. Ang mga player na eksperto sa kanyang gameplay ay matitipid ng maigi ang energy cost ng kanyang skills, matitiyempuhan ang Twilight Shroud, at mapoposisyon ang Shuriken Flip sa mga team fights. Scaling ang totoong buff ng Akali sa patch na ito.
I-click ang link para mabasa ang kabuuan ng Wild Rift patch 2.3 patch notes.