Alive at kicking ang Wild Rift esports sa Pilipinas dahil magpapatuloy ang Summer Season ng SEA Icon Series PH.
Ang siyam na linggong event na ito ay inorganisa ng Mineski at Globe kasama ang Riot Games, at ito ay I-hohost ng Philippine Pro Gaming League (PPGL). Mahahati ang SEA Icon Series PH sa dalawang seasons, Summer at Fall, at ito ay may prize pool na US$200,000.
Format ng SEA Icon Series PH: Summer Season
Ang bawat season ay mag-uumpisa sa open qualifiers, kung saan maglalaban-laban ang mga teams sa best-of-one matches.


Ang top four teams mula sa open qualifiers ay uusad sa group stages. Mayroong apat na group stages na gaganapin sa apat na iba’t-ibang rehiyon sa Pilipinas: North Luzon, South Luzon, Visayas, at Mindanao.

Pagkatapos niyan, maglalaban-laban ang mga qualified teams para sa group stages at mag-cocompete sa isang best-of-three na serye, sa isang triple round-robin format para sa North at South Luzon group stages, at dalawang round-robin format para sa Visayas at Mindanao group stages.
Ang top two teams mula sa bawat group ay uusad sa SEA Icon Series PH Summer Season Playoffs na susunod sa isang double elimination format.

Schedule ng SEA Icon Series PH: Summer Season
Gaganapin ang SEA Icon Series PH: Summer Season sa buong April at May, at ang apat na group stages ay gaganapin sa loob ng dalawang buwan.
Kumpleto na ang North Luzon, South Luzon, at Visayas group stages. Ang Mindanao group stage na may 12 matches ay gaganapin sa katapusan ng May 2021.
- North Luzon group stages: April 9 – 11 and April 16 – 18
- South Luzon group stages: April 23 – 25 and April 30, May 1 -2
- Visayas group stages: May 6 – 8
- Mindanao group stages: May 28 – 30
Gaganapin ang Summer Season playoffs sa June 4 hanggang 6.
Ang mga qualified teams para sa SEA Icon Series PH: Summer Season Playoffs
Ang top two teams mula sa bawat apat na group stages ng SEA Icon Series PH Summer Season ay uusad sa playoffs, at ito ay may total na walong qualified teams.
Na-determine na ang North Luzon, South Luzon, at Visayas teams.
North Luzon
South Luzon
Visayas
Mindanao – To be determined


Ang mga teams mula sa Mindanao ay maglalaban para sa group stages mula May 28 hanggang 30.
Saan pwede panoorin ang SEA Icon Series PH
Lahat ng SEA Icon Series PH matches ay maaring panoorin via sa social media channels ng PPGL.
Magsisimula ang mga laro ng 4:00 p.m., GMT+8. Manatiling up to date sa SEA Icon Series PH via sa Facebook ng PPGL.