Patuloy ang pagkahumaling ng mga manonood ng sikat na franchise ni Koyoharu Gotouge kasunod ng paglabas ng Demon Slayer To the Hashira Training movie.

Mataas na agad ang narating ng pelikula na kumabig ng humigit-kumulang US$4.3 million o ₱240 million sa takilya opening nito ayon sa Box Office Mojo.

IBA PANG ARTICLES TUNGKOL SA DEMON SLAYER
Sino ang pinakamahinang Hashira sa Demon Slayer?
Sino ang unang demon sa Demon Slayer?

Ang rason kung bakit ganito na lamang ang pagtanggap sa nasabing palabas ay ang adisyon ng isang eksena na hindi pa nakikita, kahit pa nang mga masusugid na tagasubaybay nito sa manga.

Sa eksenang ito, ipinasilip ang skills ng Wind Hashira Sanemi Shinazugawa at ng Serpent Hashira Obanai Iguro, patunay sa pambihirang lakas ng Breathing Techniques.

Ang special scene sa Demon Slayer To the Hashira Training movie

Demon Slayer To The Hashira Training Movie arc
Credit: ufotable

Matapos ang “To the Swordsmith Village” movie na nagsilbi na ring early screening ng hour-long special premiere ng Season 3, maraming fans ang nagsabing bitin ito sa aksyon.

Bagamat kasama sa palabaas ang epikong action scene mula sa finale ng season 2, maraming fans na ang nakita na ito. Ang natirang bahagi naman ng palabas ay pareho ng unang episode ng Season 3 kung saan ipinakilala ang character arc at bagong lokasyon.

Credit: ufotable

Kung ikukumpara, sinagot ito ng ikatlong Demon Slayer movie sa pamamagitan ng paglalagay ng isang eksena na hindi kasasma sa manga. Sa naturang eksena, na tumulay sa season 3 finale at season 4 opener, ipinakita sina Shinazugawa at Iguro na nagtambal para sa isang rescue and assassination mission.

Sino ang pinakamalakas na Hashira sa Demon Slayer?

Kinakailangan nilang hulihin ang demonyo na responsible sa pangigindnap ng mga sibilyan. Dinala sila ng kanilang imbestigasyon sa isang abandonadong kasilyo na isa pa lang pugad ng mga demonyo. Dahil sa pagkasuklam sa kanilang natagpuan, sinalakay ng dalawang Hashira ang lugar para puksain ang mga namugad dito.

May isang demonyo na sumubok na makawala sa pamamagitan ng pagtalon sa pasimano ng kastilyo na nagpasilip sa itsura ng Infinity Castle bago siya tuluyang makawala. Naglaho ito bago pa makarating sina Shinazugawa at Iguro sa Infinity Castle.

Pagkatapos ng espesyal na eksena, nagpatuloy ang pelikiula sa pagbubukas ng o the Hashira Training arc na hinango mula sa chapters 128 hanggang 131 ng manga.

₱570,000 ang halaga ng Demon Slayer figure collection ni Alden Richards

Hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa ito ng Japanese animation studio na ufotable. Sa simula ng season 2, ipinakita nila ang Flame Hashira na si Kyojuro Rengoku na nakarating sa Mugen Train.

Ipinadala si Rengoku sa isang misyon para imbestigahan ang sunod-sunod na pagkawala sa Mugen Train. Pagdating sa istasyon, hinarap niya ang isang demonyo na responsible sa mga atake sa sa kabayanan.

Anime Demon Slayer Tanjiro Kamado Funko Pop
Credit: Funko
KUNIN ITO: Anime: Demon Slayer Tanjiro Kamado Funko Pop! Figure

Sa chapter 54 naman ng manga, pananaw laamng ni Tanjiro Kamado ang ipinakita kung saan nagkita sila ni Rengoku sa loob ng tren.

Maaari mong mapanood ang one-hour special ng Demon Slayer Season 4 kapag inere ito ngayong 2024.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa Demon Slayer. 

BASAHIN: Sino si Yoriichi Tsugikuni sa Demon Slayer?