Ang ONE Esports Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2023 (MPLI 2023) ang isa sa pinakamalaking MLBB tournaments ngayong taon.
At dahil hindi pa ito tapos, maari nang mapanood ng mga Mobile Legends fans ang aksyon at pantasya sa anyo ng anime.
Tulad ng MLBB, ang mga anime shows ay may cool character designs, magarbong galawan, at mga tema kung saan nalalagpasan ng teamwork ang kahit ano mang mga hadlang.
Ang pro scene ng Pilipinas ay tahanan din ng mga iilang diehard otakus. Ang mga Mobile Legends players tulad ni Danerie James “Wise” Del Rosario ng Blacklist International at Naser “Dogie” Ignacio Mollazehi, ay mga self-professed anime fans.
Ito ang tatlong anime series na pwede mong panoorin habang nanonood ng MPLI 2023.
Anime shows na worth it panoorin habang nanonood ng MPLI 2023
- Jujutsu Kaisen
- The Disastrous Life of Saiki K.
- Trese
Jujutsu Kaisen

Ang Jujutsu Kaisen ay tungkol sa istorya ng high schooler na si Yuji Itadori at ang mundo ng cursed energy.
Matapos mabuksan nang hindi sinasadya ang isang cursed finger talisman, nakipag-team up si Yuji sa Jujutsu sorcerer na si Megumi Fushiguro para labanan ang mga sumpa na umaaligid sa spiritwal na item.
Matapos mabigong talunin ang mga sumpa, sinubo ni Yuji ang finger talisman para mailigtas ang kaniyang sarili at mga kaibigan niya, ngunit kapalit nito, naging human hostt siya sa King of Curses na si Ryomen Sukuna.

| TIGNAN ANG PRESYO: Satoru Gojo using Domain Expansion hand sign Jujutsu Kaisen Funko Pop figure |
Nakipag-sanib pwersa ang show sa MLBB noong unang parte ng 2023 sa isang blockbuster collaboration. Mga ekslusibong, time-limited JJK skins para sa minamahal na heroes na sina Julian, Xavier, Melissa, at Yin ang nilabas, kasabay ang mga ekslusibong in-game cosmetics.
Sa kaniyang thrilling na suepr moves at nakakaaliw na interaksyon, patok ang Jujutsu Kaisen sa mga Mobile Legends fans.
The Disastrous Life of Saiki K.

Pagod ka na ba sa mahigit 100 episode story arcs at nakakalitong lore? Pwes, panoorin mo ang The Disastrous Life of Saiki K., isang nakaaliw na comedy anime.
Sinusundan nito ang buhay ni Saiki Kusuo, isang kakaibang high school student na pinanganak na may psychic powers. Bagamat kaya niyang basahin ang mga isip ng tao at gumamit ng telekinesis, normal ang pamumuhay ni Kusuo, at hindi niya ginagamit ang kaniyang kapangyarihan maliban kung may emergency.

| TIGNAN ANG PRESYO: Saiki K Kawaii Doll Plush 12″ |
Sa kaniyang tatlong seasons, siguradong mapapatawa ng The Disastrous Life of Saiki K. ang mga Mobile Legends players.
Trese

Pagdating sa mga palabas tungkol sa Pilipinas, isa sa pinakamalaking bansa sa MPL Scene, ang Trese ng Netflix ang isa sa pinakabagay na anime na panoorin ng mga MLBB fans.
Sinusundan ng serye ang araw-araw na buhay ni Alexandra Trese, isang detective na ang specialty ay ang mga kababalghang krimen, at tumatayo rin siya bilang isang Babaylan-Mandirigma, isang tagapag-tanggol ng Manila.

| TIGNAN ANG PRESYO: POP Alexandra Trese Filbars Exclusive Funko |
Kasama ang kambal na demigods, tinatahak ni Trese ang isang anim na episode na journey na nagbubunyag sa madilim na underworld ng Manila.
Kung interesado ka sa Pinoy folklore, mahusay ang pag-likha ng Trese ng mga nakakatakot na multo tulad ng tiyanak at White Lady sa isang modernong kapaligiran.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa MLBB at MPLI 2023.
Ang ibang links ay mga ONE Esports affiliate links. Ibig sabihin ay kapag pinindot mo ang mga ito at bumili ka, may matatanggap kaming kaunting komisyon. Wala itong additional na gastos sa’yo. Paraan ito para mapatakbo namin ang aming site at makapagbigay ng mahalagang content para sa’yo. Salamat sa iyong suporta!