Handa ka na ba para sa isang Cinderella-inspired anime story? Sa halip na isang higanteng pumpkin carriage, glass slippers, o fairy godmother, ito ay magpapakita sa matamis na tandem nina Miyo at Kiyoka, ang main characters ng My Happy Marriage anime.
Umiikot ang serye sa arranged marriage ng isang ‘di inaasahang pairing—isang noble-born na abusadong babae na si Miyo at isang cold-hearted na sundalo na si Kiyoka. Ngunit sa halip ng mga nangyari, bubuksan nila ang kanilang puso para sa isa’t-isa.
Isang light novel serye, sinulat ni Akumi Agitogi ng My Happy Marriage at in-illustrate naman ito ni Tsukiho Tsukioka. Inanunsyo ng Kinema Citrus ang anime adaptation, kung saan binoses ito ng dalawa sa pinakasikat na voice actors ng Japan.
My Happy Marriage anime release date

Nilabas ang anime adaptation sa buong mundo noong July 5.
- Ang top 20 anime ni TenZ na dapat mong i-binge watch ngayon
- Mga English at Japanese voice actors sa Tekken Bloodline anime
- Mga English at Japanese voice actors sa Tekken Bloodline anime
My Happy Marriage anime studio

My Happy Marriage (Watashi no Shiawase na Kekkon o Watakon anime) ay I-a-animate ng Kinema Citrus, ang studio sa likod ng Made in Abyss at The Rising of the Shield Hero.
Si Takehiro Kubota naman ang magsisilbing direktor, si Shoko Yasuda ang bubuo sa character designs, at si Evan Call naman para sa music compositions.
Ito ang staff ng anime:
- Takao Abo (Supervision at storyboards)
- Ami Sato (Scriptwriter)
- Takahito Onishi (Scriptwriter)
- Momoka Toyoda (Scriptwriter)
Watakon anime characters at kanilang their voice actors

| MY HAPPY MARRIAGE CHARACTER | PAGLALARAWAN | SEIYUU/ VOICE ACTOR |
| Miyo Saimori | Si Miyo ay isa sa mga bida ng serye. Tila’y mala-Cinderella ang kaniyang buhay matapos siyang tumira sa bahay kasama ang isang malupit na stepmother at stepsister matapos mamatay ang kaniyang ina. Siya ay na-set up sa isang arranged marriage kasama si Kiyoka Kudou. | Reina Ueda |
| Kiyoka Kudou | Si Kiyoka Kudou ay isang military captain na kilala bilang heartless groom sa kaniyang mga fiancées. | Kaito Ishikawa |
| Yurie | Si Yurie ang nagsisilbi sa tahanan ni Kiyoka Kudou na dating nursemaid niya. | Houko Kuwashima |
| Kazushi Tatsuishi | Si Kazushi ang namumuno sa Tatsuishi family, bilang panganay na anak ni Minoru Tatsuishi. Napunta sa kaniya ang posisyon na ito matapos masangkot ang kaniyang ama sa Miyo Saimori Kidnapping. Kasalukuya siyang nasa ilalim ng pamamahala ni Kiyoka Kudou. | Toshinari Fukamachi |
| Sumi Usuba | Biological na ina ni Miyo na pumanaw na | Noriko Hidaka |
| Kaya Saimori | Malupit na half-sister ni Miyo | Ayane Sakura |
| Keiko | Si Keiko ang may-ari ng Suzushima’s, isang kimono shop na nagsisilbi para sa Kudou family. | Tamie Kubota |
| Hana | Dating alipin ng Saimori family. | Mamiko Noto |
| Kouji Tatsuishi | Pangalawang anak sa Tatsuishi family at engged kay Kaya Saimori. | Koutarou Nishiyama |
| Arata Tsuruki | Pinsan ni Miyo. | Ryouhei Kimura |
Maaring mapanood ng mga fans ang unang trailer at promotional video para sa My Happy Marriage dito:
My Happy Marriage episode list at titles
| EPISODE NUMBER | EPISODE TITLE |
| 1 | The Meeting |
| 2 | About My Husband-to-Be |
| 3 | Our First Date |
| 4 | The Gift |
| 5 | Ripples |
| 6 | Determination and Thunder |
| 7 | Glamorous Lady of Summer |
Saan pwedeng mapanood ang My Happy Marriage
Maaring mapanood ng mga fans ang My Happy Marriage sa streaming platform, Netflix.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa karagdagang balita tungkol sa anime.
BASAHIN: 5 anime characters na gusto natin makita sa Genshin Impact