Ang bagong My Hero Academia movie ay sumusubok sa hindi pa nadadaanang teritoryo para sa superhero-themed anime series.

Inihayag ng Toho Animation ang ika-apat na pelikula sa serye na may pamagat na My Hero Academia You’re Next, at ipinakita ang unang trailer at poster nito.

Ang trailer at poster ay nagtatampok ng isang masama o kontrabidang bersyon ni All Might, na nagbibigay ng nakakapukaw na tanong: Anong mangyayari kung ang Symbol of Peace ng My Hero Academia ay maging masama?

Ang pelikula ay ipapalabas sa mga sinehan sa Japan sa August 2.



Ang trailer at poster ng My Hero Academia movie ay nagtatampok ng bagong hamon para sa Class 1-A

My Hero Academia movie poster
Credit: Toho Animation

Sa pinakabagong trailer para sa paparating na My Hero Academia movie ay makikitang muli ang mainit na laban nina All Might at All for One mula sa season 3.

Pagkatapos ng epikong laban, nagretiro si All Might bilang isang bayani at ipinasa ang responsibilidad ng pagiging Symbol of Peace kay Izuku “Deku” Midoriya, ang pangunahing tauhan ng My Hero Academia.

Sumusunod sa mga pangyayari pagkatapos ng Dark Hero Arc sa season 6, kung saan si Deku ay bumalik sa U.A. High at muling nakatagpo ang kanyang mga kasamahan sa Class 1-A. Ang mga ito ay masigasig na nagtatrabaho upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.

Gayunpaman, may bagong panganib na dumating sa anyo ng isang All Might look-alike na may dalang  bagong hamon sa hero society.

Ang My Hero Academia You’re Next ay inaasahang susunod sa paglabas ng season 7 ng anime, na nakatakdang ipalabas noong May 4, 2024.

Maaari mong panoorin ang buong trailer sa ibaba.



I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa anime.

BASAHIN: Saan mapapanood ang Solo Leveling