Sa kabila ng kasikatan at epekto ng Dragon Ball, nangingibabaw ang Sand Land bilang isang hiwalay na likha ni Akira Toriyama.
Kaya naman napapaisip ang mga fans: konektado ba talaga ito sa Dragon Ball?
Inilathala sa Weekly Shonen Jump noong 2000, naghatid ang Sand Land ng isang kakaibang mundo.
Ang bida na si Sheriff Rao, ay nakipag-team up sa Demon Prince na si Beelzebub at isang magnanakaw para maghanap ng panibagong water source.
Mga pagkakatulad ng Sand Land at Dragon Ball

Ang koneksyon ng Sand Land at Dragon Ball ay naiging halata pagdating sa artistic style at mga elemento ng tema nito.
Parehas na manga serye ay nagpapakita ng signature character design at mundo ni Toriyama. Ngunit ang mga pagkakatulad na ito ay mas malalim pa ba?
Isang kapansin-pansin na tinuro ng mga fans ay ang pagkahawig ng ama ni Beelzebub na si Lucifer sa Sand Land, at ni Dabura sa Dragon Ball Z.
Ang mga visual na pagkakahawig ng mga characters na ‘to ay bumuo ng mga haka-haka na maaring magkamag-anak sila.
Konektado nga ba ang Sand Land sa Dragon Ball?

Ang sagot? Hindi.
Nananatiling independent na storylines na may mga kakaibang plot, characters, at settings ang Sand Land at Dragon Ball.
Habang may pagkakatulad ang Sand Land at Dragon Ball pagdating sa tema at disenyo, sila ay magkahiwalay na mga mundo.
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa paborito mong anime.
BASAHIN: Lahat ng Solo Leveling episodes at saan ito pwede panoorin