Ang One Piece live action series sa Netflix ay tiyak na mabibihag ang loyal fans at newcomers.

Tutuklasin ng dramatic adaptation na ‘to ang East Blue Saga sa loob ng walong episodes.

Ang East Blue ay isa lamang sa maraming lugar na binanggit sa serye, kasabay ang Grand Line, Red Line, at iba pa.

Para sa mga baguhan sa One Piece universe, narito ang isang rundown sa mga pangalan ng mga lokasyong nabanggit at lumabas sa East Blue Saga.



Ano ang Grand Line sa One Piece series? 

Anime One Piece Netflix
Credit: Eiichiro Oda/Shueisha, Toei Animation

Ang Grand Line ay isang band na nakakasalamuha ng Red Line. Ito ay isang mapanganib na karagatan na may mga isla at syudad na target ng kahit sino mang pirate. 

Ang Grand Line ang pokus ng serye, dahil dito matatagpuan ang legendary treasure na tinatawag na One Piece, at sinasabing tinatago ito ni Gold Roger, ang King of the Pirates. 

Red Line 

Isang manipis na mahabang lupa na pinapaloob ang mundo, at kasama ang Grand Line, ay hinahati ang apat na major anyong tubig: ang North Blue, West Blue, South Blue, at East Blue. 

Lokasyon ng East Blue sa One Piece live action series ng Netflix 

Anime One Piece Netflix
Credit: Netflix

Ang unang season ng live action adaptation ng Netflix ay naka-pokus sa mga lokasyon sa East Blue, tulad ng: 

  • Loguetown – lugar ng pagkamatay ni Gold Roger 
  • Windmill Village – hometown ni Luffy 
  • Shimotsuki Village – training origin ni Zoro 
  • Shells Town – Marines Headquarters 
  • Syrup Village – Hometown nina Usopp at Kaya 
  • Baratie – ang floating restaurant 
  • Coco Village – bahay ni Nami 
  • Arlong Park sa Conomi Islands – hideout ng mga Arlong Pirates 

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang kwento at balita tungkol sa paborito mong anime.

BASAHIN: Maging isang hot Straw Hat Pirate sa kauna-unahang One Piece gym