Ang One Piece ni Eiichiro Oda ay tiyak na mayroong napakaraming characters. Iisa na rito ang tuso na si Don Krieg, isang sikat na pirate admiral na mahilig sa bigating firepower at may pangarap na sakupin ang Grand Line. 

Pinakilala si Don Krieg nang maaga sa storyline bilang isang prominenteng kontrabida sa Baratie Arc sa East Blue. Nagmula sa East Blue, si Krieg ay ang pinuno ng Krieg Pirates at kilala dahil sa kaniyang walang-awa na pamamaraan, bigating armas, at tila isang hindi mapapatumbang armor. Ang kaniyang pangarap ay maging King of the Pirates, kahit na ibig sabihin nito ay sakupin ang Grand Line. 

Anime One Piece Sanji Funko Pop
Credit: Funko
VIEW PRICE: Sanji Funko Pop! figure

Babala: Major spoilers para sa mga fans na hindi pa nakapag-basa sa manga at hindi pa nakakapanood sa anime. 

Sino si Don Krieg at ano ang kaniyang papel sa One Piece? 

Anime One Piece Don Krieg
Credit: Toei Animation

Ang sagupaan ni Don Krieg sa Straw Hat Pirates ay nangyari sa Baratie, isang seafaring restaurant ship, kung saan nag-tatrabaho si Sanji bilang cook. Naghahanap ng asilo mula sa Grand Line, nakatanggap si Krieg at ang kaniyang mga tauhan ng paglaban mula sa staff ng Baratie, na napunta sa isang matinding komprontasyon. Dahil sa armas ni Don Krieg at ang kaniyang ugaling hindi nagpapatalo, isang matinding kalaban si Don Krieg laban kay Luffy at mga kaibigan niya. 

Sa pagtuklas natin ng Baratie Arc, nabunyag ang tunay na ambisyon ni Don Krieg. Ang kaniyang kagustuhan na sakupin ang Grand Line ay hindi lamang nagmumula sa kayamanan kundi dahil sa kaniyang pagiging uhaw sa kapangyarihan. 



Anime One Piece Luffy Funko Pop
Credit: Funko
VIEW PRICE: Luffy Funko Pop! figure

Sa huli, natalo si Don Krieg sa kamay ni Monkey D. Luffy at mga kaibigan niya. Natamaan ang kaniyang armor, at ang mga pangarap niyang sakupin ang Grand Line ay nawasak. Ngunit sa kabila ng kaniyang pagkatalo, nananatili pa ring isang malakas na kalaban si Don Krieg sa serye, kung saan pinapakita niya ang kaniyang ugali na nagiging isang malaking pagsubok para sa Straw Hat Pirates. 

Buhay pa rin si Krieg, at walang nakakaalam sa kaniyang kasalukuyang kalagayan. 

Ang ibang links ay mga ONE Esports affiliate links. Ibig sabihin ay kapag pinindot mo ang mga ito at bumili ka, may matatanggap kaming kaunting komisyon. Wala itong additional na gastos sa’yo. Paraan ito para mapatakbo namin ang aming site at makapagbigay ng mahalagang content para sa’yo. Salamat sa iyong suporta!   

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga storya tungkol sa paborito mong anime. 

BASAHIN: Subukan ang 3 must-play One Piece games na ito para sa bawat mugiwara