Sa pagtutok ng mga manonood sa One Piece live action sa Netflix, hindi maiiwasang ikumpara ito sa original na anime.

Isa sa pinakamalaking pagkakaiba sa One Piece live action kumpara sa anime ay makikita sa paraan ng pagganap ng mga characters.

Dahil sa dami ng mga side characters sa anime, hindi nakakagulat na hindi lahat ay makakasama sa adaptasyon ng Netflix.

Tingnan natin ang ilan sa mga characters na hindi napasama sa live action na bersyon.



One Piece live action versus anime: 5 characters na wala sa Netflix adaptation

  • Gaimon
  • Jango
  • Johnny at Yusaku
  • Hachi

Gaimon

Gaimon in One Piece anime
Credit: Toei Animation

Na-encounter ng Straw Hat Pirates si Gaimon sa simula ng kanilang paglalakbay sa One Piece.

Naglalayag sila sa karagatan nang makita nila ang isang tila abaondonadong isla na tinatawag na Island of Rare Animals. Habang iniikot ang isla, natagpuan nila ang isang treasure chest, at sa kanilang pagkagulat, nalaman nilang naging bahay ni Gaimon ito sa loob ng dalawang dekada.

Si Gaimon ay pumasok sa treasure chest upang kumuha ng kayamanan, pero naipit siya nang bumagsak ang baul, at hindi na siya nakaalis dito sa lob ng mahabang panahon.

Si Gaimon ay isang kakaibang karakter sa One Piece, kilala sa kanyang kakaibang anyo at kakaibang back story. Isa siyang matangkad at payat na lalaki na may kakaibang ayos ng buhok at kakaibang personalidad.

Jango

Si Jango ang isa sa mga characters na hindi napasama sa One Piece live action
Credit: Toei Animation

Si Jango ay isang hypnotist at tauhan ni Captain Kuro, isang pirata na may masamang balak. Ang pinakakakaibang katangian niya ay ang kakayahang i-hypnotize ang mga tao gamit ang isang pendulum.

Gayunpaman, sa live action adaptation, wala si Jango sa Syrup Village, at walang anumang patungkol sa kanya sa mga kasamahan ni Captain Kuro.

Johnny at Yosaku

Johnny and Yosaku in One Piece anime
Credit: Toei Animation

Sina Johnny at Yosaku ay dalawang hindi eksperiyensadong bounty hunters na ipinakilala sa Baratie Arc. Ang kanilang paglalakbay ay nagkaroon ng hindi inaasahang kaganapan nang sumakay sila sa Going Merry at malaman na ang kanilang kasamahan na bounty hunter, si Roronoa Zoro, ay naging miyembro ng isang pirate crew.

Nagpasya silang sumama sa Straw Hat Pirates sa ilang bahagi ng kanilang mga pakikipagsapalaran, nananatili sila sa koponan hanggang sa mga pangyayari ng Arlong Park Arc. Sa puntong iyon, nagpaalam sila sa crew at bumalik sa kanilang pagtutok sa pagtugis ng mga kriminal bilang bounty hunters.

Hachi

Hachi in One Piece anime
Credit: Toei Animation

Si Hachi ay isang octopus fish-man na dating kasapi ng Arlong Pirates, isang notorious na pirate crew.

Siya ay kilala sa kanyang maraming galamay at kahusayan sa paggamit ng anim na espada nang sabay-sabay. NMahalaga ang papel ni Hachi sa Arlong Park Arc, kung saan siya ay nagsimula bilang isang kontrabida ngunit unti-unting naging mas malinaw ang kanyang karakter sa pagpapatuloy ng kwento.

Para sa iba pang balita tungkol sa anime, gaming, at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Lahat nang Jujutsu Kaisen episodes ng bawat season at saan mapapanood