Sa wakas! Ang sikat na manhwa Solo Leveling ay magkakaroon na ng anime adaptation. 

‘Di tulad ng mga power fantasies nina Goku at Naruto, ang Solo Leveling ay tungkol sa storya ng isang mababang hunter na si Jin-woo na aksidenteng matatagpuan ang isang panibagong kapangyarihan sa isang bigong dungeon run. 

Ito ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa Solo Leveling, kasama na ang kaniyang storya, VA cast, release date, at status ng manhwa.



Tungkol saan ang Solo Leveling? 

Ang Solo Leveling ay isang Korean web novel serye na isinulat ni Chu-gong at isinalarawan ni Jang “Dubu” Sang-rak ng Redice Studio. Ginaganap ang kwento sa kasalukuang-Korea na may mga elemento ng MMORPG. 

Ang mga taong mayroong kapangyarihan ay maaring makakuha ng trabaho bilang isang hunter, o mga taong pumapasok sa ibang dimensyon para pumaslang ng mga halimaw at bosses. Kung na-clear out ng hunting party ang dungeon ng gate, maaring magamit bilang totoong pera ang kanilang mga rewards. 

Anime Solo Leveling Vol1 Comic
Credit: Redice Studio, Chugong
KUNIN ITO: Solo Leveling Vol.1

Ang bida na si Sung Jin-woo, ay kilala bilang pinakamahinang hunter ng mundo. Ngunit sa kabila ng kaniyang reputasyon, patuloy siyang lumalahok sa mga dungeon raids bilang paraan para mabayaran ang mga hospital bills ng kaniyang nanay. 

Habang nasa isang double-dungeon run, sinakripisyo ni Jin-woo ang kaniyang sarili para makatakas ang kaniyang party. Nasa bingit ng kamatayan, aksidenteng makukumpleto ng hunter ang isang hidden quest at magiging isang “player”, isang espesyal na role na kung saan maari niyang makumpleto ang mga quests at mag-level up nang mag-isa sa pamamagitan ng isang game-like system. 

Status ng manhwa 

Anime Solo Leveling Vol2 Comic
Credit: Redice Studio, Chugong
KUNIN ITO: Solo Leveling Vol.2

Unang inilathala ang Solo Leveling noong Marso 4, 2018, at lumabas ang final 201st chapter ng serye noong Mayo 31, 2023. 

Production details ng Solo Leveling anime 

Ang A-1 Pictures, na kilala sa kanilang animation work sa Sword Art Online at Erased, ang mag-proproduce ng anime kasama si Shunsuke Nakashige bilang director at Noboru Kimura bilang head writer. Magiging pinuno ng character design si Tomoko Sudo. 

Ang music ng anime ay bubuuin ni Hiroyuki Sawano, na naging parte ng mga iba pang sikat na anime titles tulad ng Attack on Titan, Blue Exorcist, at Kill la Kill. 

Maaring aangkupin ng anime ang Japanese translaton ngg manhwa, na binago ang kaunting detalye ng kwento. Halimbawa, si Jin-woo ay si Shun Mizushino, at ang setting ng kwento ay nasa Tokyo sa halip na Seoul. 

Solo Leveling characters at seiyuu (voice actors) 

CHARACTER SEIYUU (VOICE ACTOR) 
Jin-Woo Sung Taito Ban 
Hae-In Cha Reina Ueda 
Jin-Ah Sung Hurana Mikawa 
Gun-Hee Go Banjou Ginga 
Jin-Ho Yoo Genta Nakamura 
Joohee Lee Rina Honizumi 
Jong-In Choi Daisuke Hirakawa 
Yoon-Ho Baek Hiroki Touchi 
Jin-Chul Woo Makoto Furukawa 
Byung-Gyu Min Junya Enoki 

Solo Leveling release date 

Nag-remiere ang Solo Leveling noong Enero 7, 2024. 

Solo Leveling official trailers





Saan pwede ito pwedeng panoorin

Maaring mapanood ang anime sa iilang Japanese stations at channels. Available ito online sa Netflix at Crunchyroll. 

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa anime. 

BASAHIN: Bleach Thousand Year Blood War Season 3 kumpirmado na – at malapit na itong dumating