Kung isa kang fan ng manga at anime, tiyak na nakarinig ka na sa Forger family.
Bago mo makilala ang mga characters na ‘to, importanteng alam mo kung ilang seasons na ba ang mayroon sa Spy x Family para swabe ang pag-binge watch mo sa buong serye.
Isang masayang paraan para maka-destress sa isang intense na action anime ang serye na ‘to.

GET YOURS TODAY: Loid Bandai Spirits S.H. Figurats |
Naka-ilang seasons na ba ang Spy x Family at kanilang kumpletong release dates

Simple lang ang watch order ng anime na ito dahil pinresenta ang mga episode at seasons nang sunod-sunod mula sa simula ng serye. Kasalukuyang mayroong dalawang seasons na ito.
Sa season one, makikilala natin si Twilight, isang master spy na nagpapanggap bilang si Loid Forger, isang psychiatrist, para bumuo ng isang pekeng pamilya para ma-imbestigahan ang isang politikal na lider na si Donovan Desmond.

GET YOURS TODAY: Anya and Bond JP Products Figure |
Ang hindi niya alam, ang kaniyang asawa na si Yor, ay isang assassin na si Thorn Princess, at ang kaniyang anak na si Anya, ay may telepathic powers.
Lumabas ang Spy x Family anime noong Abril 9, 2022, at natapos ang unang season noong Disyembre 24, 2022. Mayroong 25 episodes ang unang season ng serye.
Lumabas naman ang pangalawang season noong Oktubre 7, 2023, at tinuloy ang Operation Strix mission ni Twilight.
Lumabas naman ang Spy x Family movie na Code White sa Japan noong Disyembre 22, 2023, at nagkaroon ng international release noong Pebrero 2024.
- Akase Akari nagpamangha sa kaniyang Yor Forger cosplay
- Saan mapapanood ang Solo Leveling
- Lahat nang Jujutsu Kaisen episodes ng bawat season at saan mapapanood

GET YOURS TODAY: Yor SEGA Premium Figure |
Saan pwedeng mapanood ang Spy x Family
| SEASON | PLATFORM |
| Season 1 | Netflix Amazon Prime Disney Plus Hulu Rakuten TV |
| Season 2 | Netflix Amazon Prime Disney Plus Hulu |
Maari mong bisitahin ang opisyal na Spy x Family website para makita ang kumpletong listahan ng TV at online platforms para mapanood ang serye.
Ang ibang links ay mga ONE Esports affiliate links. Ibig sabihin ay kapag pinindot mo ang mga ito at bumili ka, may matatanggap kaming kaunting komisyon. Wala itong additional na gastos sa’yo. Paraan ito para mapatakbo namin ang aming site at makapagbigay ng mahalagang content para sa’yo. Salamat sa iyong suporta!
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa mga storya tungkol sa paborito mong anime.
BASAHIN: I-unlock ang Spy x Family Street Fighter 6 crossover skins