Nilabas na ng Capcom ang susunod na kabanata ng kanilang mga anime collaboration, at dito, nagsanib-pwersa ang mundo ng Street Fighter 6 at ang minamahal na Spy x Family series.

Mula Enero 9 hanggang Pebrero 1, maaring makuha ng mga players ang bagong Spy x Family Street Fighter 6 crossover skins. Kasama dito ang mga skins nina Yor Forger at Loid Forger sa Avatar Creator.

Narito ang isang kumpletong gabay kung paano ma-unlock ang Spy x Family skins sa SF6.



Paano ma-unlock ang Spy x Family Street Fighter 6 crossover skins 

SF6 Spy x Family Battle Hub
Credit: Capcom

Madali lang ma-unlock ang eksklusibong Spy x Family Street Fighter 6 skins sa limited-time event na ‘to. Lahat ng players na mag-lolog in sa panahong ito ay makakatanggap ng espesyal na collaboration items, tulad ng napaka-cute na Anya Forger sticker emotes. 

Anime Spy x Family Anya Bond
Credit: JP Products
KUNIN ITOAnya and Bond JP Products Figure

Hindi lang ‘yan. Sumailalim din ng isang transpormasyon ang Battle Hub sa kanilang bagong Spy x Family visuals. Pino-promote ng collaboration na ito ang theatrical release ng Spy x Family Code White movie. 

Paano makuha si Yor Forger sa SF6 

SF6 Spy x Family collab Yor skin
Credit: Capcom

Para sa mga nagnanais na maglaro bilang Thorn Princess, pumunta sa Avatar Creator at ilagay ang “SPY_SF6_YOR” sa download recipe tab. 

Anime Spy x Family Yor
Credit: SEGA
KUNIN ITO: Yor SEGA Premium Figure

Maaring makuha ang Yor gear set sa pamamagitan ng pagpalit ng 500 Drive Ticket points. 

Paano makuha si Loid Forger sa SF6 

SF6 Spy x Family Collab Loid skin
Credit: Capcom

Para maglaro bilang ang super agent na si Twilight, pumunta sa Avatar Creator at ilagay ang “SPY_SF6_LOID” sa download recipe tab. 

Anime Spy x Family Loid
Credit: Tamashii Nations
KUNIN ITO: Loid Bandai Spirits S.H. Figurats

Maaring makuha ang Loid gear set sa pamamagitan ng paggamit ng 500 Drive Ticket points. 

Para ipagdiriwang ang Spy x Family Street Fighter 6 skins, naglabas ang Capcom ng isang promotional video na pinapakita si Yor in action laban sa fan-favorite character na si Chun-Li. 

Walang kakaibang move o special attacks si Yor. Ginagamit niya ang lahat ng attacks ni Juri sa demonstration. 

Panoorin ang video dito.



I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa Street Fighter. 

BASAHIN: Akase Akari nagpamangha sa kaniyang Yor Forger cosplay