Pumasok sa ibaangan na Suicide Squad anime, kung saan makikita natin sina Harley Quinn, Deadshot, Peacemaker, Clayface, at King Shark na tuklasin ang Isekai, o tinatawag na Another World.

Pinroduce ng Warner Bros. Japan at WIT Studio, pinapangako ng series na ito ang isang adrenaline-fueled journey kasama ang elite task force. 

Akda ni Tappei Nagatsuki ang screenplay, na gumawa rin sa Re:Zero Starting Life in Another World, at Eiji Umehara, ang autor ng visual novel na ChaoS Child, na sumulat din sa mga scripts para sa anime adaptation ng Re:Zero. 

Isa pang Re:Zero alumni, si Kenichiro Suehiro (Goblin Slayer, Uncle from Another World), ang bumuo ng score ng serye. Si Eri Osada (Jujutsu Kaisen, Jojo’s Bizarre Adventure: Diamond is Unbreakable) ang direktor ng serye. 

Suicide Squad anime release date 

Ang release date ng Suicide Squad anime ay Hulyo 2024 at lalabas bilang parte ng Summer 2024 season. 

Suicide Squad Isekai story 

Suicide Squad anime
Credit: WIT Studio

Sa mga kalye ng Gotham na puno ng krimen, bumuo ng isang plano si Amanda Waller, ang head ng A.R.G.U.S. 

Bumuo siya ng isang team ng mga kriminal, kasama sina Harley Quinn, Deadshot, Peacemaker, Clayface, at King Shark, at inalukan sila ng pagkakataong matubos ang kanilang mga kasalanan kapalit ng kanilang serbisyo. 

Ang kanilang misyon? Pasukin ang isang mundong nasa ibang realm sa pamamagitan ng isang misteryosong gate – isang Isekai na puno ng mga swords, sorcery, at mga dragons. 

Ang bawat myembro ng Suicide Squad ay mayroong nakakamatay na explosive sa kanilang mga leeg para masiguradong sumunod sila.  

Kakayanin kaya ni Harley Quinn at ang kaniyang mga kasama na mabuhay sa loob ng mapanganib na Isekai realm? 

Suicide Squad anime characters at seiyuu 

SUICIDE SQUAD ANIME CHARACTERS SEIYUU 
Harley Quinn Anna Nagase 
Joker Yuuichirou Umehara 
Clayface Jun Fukuyama 
Peacemaker Takehito Koyasu 
King Shark Subaru Kimura 
Deadshot Reigo Yamaguchi 
Aldora Mamiko Noto 
Cecil Jun Fukushima 
Fione Reina Ueda 
Katana Chika Anzai 

Suicide Squad Isekai trailer



Saan mapapanood ang Suicide Squad anime 

Eere ang Suicide Squad Isekai sa mga Japanese television channel na TOKYO MX at BS11. Sa kasalukuyan, wala pang opiyal na streaming platform kung saan mapapanood mo ito. 

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa mga paborito mong anime. 

BASAHIN: Tomb Raider anime: Kwento, characters, voice actors, trailer