Ang Tomb Raider: The Legend of Lara Croft ng Netflix ay isang animated na serye na tiyak na dadalhin ang mga anime fans sa isang paglalakbay sa kasaysayan ng mundo.

Binigyan ito ng inspirasyon ng sikat na video game franchise, ang Tomb Raider anime ay magkakaroon ng isa na namang epic treasure hunt tungkol sa icon na si Lara Croft.

Mapapansin ng mga fans ng Tomb Raider cinematic universe na mas tumatangkilik ang anime sa style ng 2018 Tomb Raider film na binida ni Alicia Vikander, kumpara sa pelikula ni Angelina Jolie noong 2001 at 2003.



Ano ang Tomb Raider anime? 

Gaming Tomb Raider anime
Credit: Netflix

Ang Tomb Raider anime ay isang kolaborasyon ng Crystal Dynamics, Legendary Television, DJ2 Entertainment, at Tractorpants para sa Netflix. Ang animation work ay gawa ng Powerhouse Animation, ang studio sa likod ng sikat na Castlevania anime. 

Anime Tomb Raider Lara Croft Funko Pop
Credit: Funko
KUNIN ITOLara Croft Funko Pop! Figure

Ang anime ang nagsisilbing tulay sa dalawang era ng Tomb Raider serye. Pinagpatuloy ng show ang mga kaganapan matapos ang 2013-2018 Tomb Raider trilogy reboot ng Crystal Dynamics, na nag-climax sa Shadow of the Tomb Raider. 

Ano ang kwento ng Tomb Raider? 

Gaming Tomb Raider anime
Credit: Netflix

Nagmula sa action-adventure video game serye ng British game developer na Core Design, mabilis na naging isang multimedia phenomenon ang Tomb Raider na nagkaroon ng mga pelikula, comics, at mga nobela. Ang revival nito ay dumating sa Tomb Raider game ng Crystal Dynamics at inilathala ng Square Enix. 

Ang buod ng franchise ay umiikot sa mga ekspedisyon ni Lara Croft, isang fictional British archeologist na naghahanap ng mga nawawalang artifacts, kung saan sinasalubungan siya ng mga mapapanganib na tombs, ruins, at locales sa iba’t-ibang dako ng mundo. Naka-pokus ang gameplay sa exploration, puzzle-solving, at ang kaniyang journey sa mga lugar na puno ng mga trap, at ang kaniyang pakikipag-bakbakan laban ang mga kalaban. 

Naging isang importanteng parte ang Tomb Raider serye sa kultura ng gaming simula ng pagbuo nito noong 1996. Pinagyayabang nito ang isang legacy bilang isang video game franchise na may 20 titles. 

Tomb Raider: The Legend of Lara Croft release date 

Ang Tomb Raider: The Legend of Lara Croft ay nakatakdang lumabas sa 2024. 

Anime Tomb Raider Lara Croft Funko Pop
Credit: Funko
KUNIN ITOLara Croft Funko Pop! Figure

Hayley Atwell, isang British-American actress na kilala sa Captain America ng Marvel at Mission Impossible: Dead Reckoning, ang magiging boses ni Lara Croft. 

Earl Baylon, isang Filipino-American voice actor, ay nakalaang bigyan boses si Jonah Maiva, ang treasure hunter partner at kasabwat ni Croft. 

Allen Moldonado, isang American actor, ang boboses kay Zip, isang matandang kaibigan ni Croft na magbibigay sa kaniya ng tech at information support. 


Tomb Raider: The Legend of Lara Croft trailer 



Ang ibang links ay mga ONE Esports affiliate links. Ibig sabihin ay kapag pinindot mo ang mga ito at bumili ka, may matatanggap kaming kaunting komisyon. Wala itong additional na gastos sa’yo. Paraan ito para mapatakbo namin ang aming site at makapagbigay ng mahalagang content para sa’yo. Salamat sa iyong suporta!    

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang balita tungkol sa mga paborito mong anime.

BASAHIN: Eksklusibo sa Demon Slayer To the Hashira Training movie ang eksenang ito na wala sa manga