Naglabas na ng panibagong attachment para sa AK-47 ang Season 3 ng Call of Duty Mobile, at ang magandang balita ay maari itong ma-unlock nang libre.  

Ang GRU Combo Grip attachment ay parte ng bagong pakulo ng CoDM kung saan naglalabas sila ng bagong attachments para sa mga baril, ‘di tulad ng dati na bagong baril ang inilalabas nila. 

Paano makuha ang GRU Combo Grip para sa AK-47 

CODM GRU Combo Grip Ak-47
Credit: Activision

Maaring ma-unlock ng mga players ang GRU Combo Grip para sa AK-47 sa pamamagitan ng mga Seasonal Events. Ito ay matapos makatanggap ng buff ang Assault Rifle na ito last season, kaya naman mas lalo itong naging meta sa Battle Royale. 

Kailangan laruin at kumpletuhin ng mga players ang lahat ng missions para ma-unlock ang bagong attachment na ito.  

Pumunta sa Events tab sa home page at pindutin ang Seasonal. Piliin ang “Popular Arms Only” event at kumpletuhn ang lahat ng missions sa event na ito para makuha ang GRU Combo Grip ng AK-47. 

Ito ang lahat ng mga missions na kailangan tapusin ng mga players para makuha ang GRU Combo Grip ng AK-47 sa CoDM Season 3: 

  1. Pumatay ng tatlong kalaban gamit ang assault rifle sa multiplayer matches. 
  1. Pumatay ng sampung kalaban gamit ang kahit anong assault rifle sa multiplayer matches. 
  1. Bumaril nang 500 rounds sa multiplayer matches. 
  1. Pumatay ng 20 na kalaban gamit ang hipfire na gamit ang AK-47 sa multiplayer matches. 
  1. Umipon ng Triple Kill Medal nang dalawang beses sa multiplayer matches. 
  1. Pumatay ng limang kalaban na headshots gamit ang AK-47 sa multiplayer matches. 
  1. Pumatay ng 50 na kalaban gamit ang AK-47 na may GRU Combo Grip sa multiplayer matches. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita at highlights tungkol sa CoDM.