Sa pagsulong ng Season 3, oras na para ilabas ang best RAM 7 build sa Modern Warfare 3. 

Tiyak na malakas ang RAM 7 sa MW3. Kahit matapos itong ma-nerf sa mga bagong patch, isa pa rin ito sa pinakamalakas na assault rifle sa meta. 



Best RAM 7 build sa MW3 – meta loadout 

COD RAM 7 loadout MW3
Credit: IsaacAndersn YouTube Channel

Naka-pokus ang build na to sa pagiging mobile sa mapa. 

  • Barrel: Cronen Headwind Long Barrel 
  • Stock: HVS 3.4 Stock 
  • Magazine: 60 Round Mag 
  • Underbarrel: Bruen Heavy Support Grip 
  • Muzzle: Zehmn Compensated Flash Hider 

Ang Cronen Headwind Long Barrel ay tumutulong sa bullet velocity at range. Nakakatulong din ito sa pag-aim nang idle sway at firing aim stability. 

Nakakabawas naman ang HVS 3.4 Stock ng horizontal at vertical recoil, para magamit ang RAM 7 sa malalayong distansya. 

Nababawasan din ng 60-round magazine ang pag-reload, para mas madaling makapatay ng maraming kalaban. 

Para naman sa underbarrel, malaki ang diperensya ng Bruen Heavy Support Grip. Naghahatid ito ng iilang advantage, tulad ng gun kick control, aiming idle sway, at pagbawas ng horizontal recoil, at firing aim stability. 

Nababawasan ng muzzle ang radar pings, para maghatid ng mas mababang vertical at horizontal recoil at firing aim stability. 

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang gabay tungkol sa COD. 

BASAHIN: Paano ba gumagana ang Modern Warfare 3 Battle Pass?