Ang Call of Duty Modern Warfare 3 beta ay nagbigay ng patikim sa mga players ng kung ano ang darating, at dahil dito ay marami ang naging interesado sa Striker.

Kabilang sa mga players na ito ang miyembro ng OpTic na si Seth “Scump” Abner, na ibinahagi ang kanyang best Striker class MW3 build.



Ang best Striker class MW3 loadout sa MW3 beta ayon kay scump

OpTic Scump celebrates on stage
Credit: OpTic Gaming

Ang 28-taong gulang na Call of Duty legend at retiradong propesyonal ay nagbahagi ng kanyang loadout sa TikTok, at tiyak na dapat itong subukan. Dahil sa kanyang malawak na kasaysayan sa laro, kung saan siya ay nagtagumpay sa maraming titulo, walang alinlangan na siya ay isang player na nararapat pakinggan pagdating sa mga loadout.

Sa pinagsama-samang ER Muzzle Brake, Kimura Ryn-03 Vertical underbarrel, Striker Recon Long barrel, Lachmann MK2 Light stock, at ang FTAC G-5 EXO rear grip, tinatawag ng world champion ang loadout na ito bilang isang “absolute beam” at sinasabi pa niyang hindi mo dapat ito palampasin.

Mapapansin na wala itong mga tunings, dahil karamihan sa mga pro at mga dating pro ay hindi ito ginagamit. Hindi pinapayagan ng Call of Duty League ang paggamit ng tunings sa kompetisyon, kaya’t hindi ito isang factor para sa kanila.

Best Striker class MW3 loadout ni scump:

SLOTATTACHMENT
MuzzleER Muzzle Brake
UnderbarrelKimura Ryn-03 Vertical
BarrelStriker Recon Long
StockLachmann MK2 Light
Rear gripFTAC G-5 EXO

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Paano makuha ang Skeletor operator sa Modern Warfare 2 at Warzone 2