Kung nais mong ma-unlock ang mga wonder weapons, skins, at iba pang Horde Hunt event rewards sa Call of Duty Modern Warfare 3 at Warzone, kailangan mong malaman kung paano makuha ang Skulls at Bones. 

Ang Skulls at Bones ang dalawa sa eksklusibong currencies sa Horde Hunt event na maaring magamit ng mga players para maka-unlock ng iba’t-ibang rewards, mula sa cosmetics patungo sa mga usable items. 

Paano makakuha ng Skulls at Bones nang mabilisan sa MW3 at Warzone 

COD MW3 Skulls at Bones collect
Screenshot ni Hritwik Raj / ONE Esports

Maari kang makakuha ng Bones sa pamamagitan ng pagpatay sa mga regular na Zombies sa bagong Hordepoint game mode, Fortune’s Keep, o regular Zombies game mode. Sa kabilang palad, para makakuha ng Skulls sa laro, kailangan mong talunin ang mga Armored Zombies. 

Pagdating sa pag-farm ng Skulls and Bones nang mabilisan sa laro, salamat sa shared progression ng dalawang bersyon ng Call of Duty para sa Horde Hunt event, makakapunta ang mga players sa Zombies game mode at gamitin ang Exfil sites at mag-initiate ng isang Exfil para makapag-spawn ng zombies para maka-farm ng Skulls at Bones. 

COD MW3 Exfil sites
Screenshot ni Hritwik Raj / ONE Esports

Kung ang layunin mo ay mag-farm ng Bones, mainam ang Tier 1 zone, dahil hindi mo na kailangan i-Pack-A-Punch ang weapon mo o magkumpleto ng mga kontrata. Pagdating mo sa exclusion zone, maari ka pumunta sa pinakamalapit na Exfil site, tumawag ng isang Exfil, at patayin lahat ng mga zombies at maghintay sa Exfil cooldown, tumawag ng Exfil ulit, at mag-farm ng zombies at ulitin ang proseso hanggang sa makuha mo ang ninanais mong Bones. 

Habang ni-rerekomenda namin gumamit ng Tier 2 zone Exfil site para mag-farm ng Skulls sa laro. Ngunit bago ka pumunta doon, siguraduhing nakumpleto mo ang iyong mga kontrata at nakapag-upgrade ka na ng weapon. Ang best part nito ay kung mamatay ka man sa farming, ang mga na-kolekta mong Bones at Skulls ay makikita sa progress mo sa Horde Hunt event. 

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang gabay tungkol sa COD. 

BASAHIN: Paano makuha ang Killshot Skin sa Modern Warfare 3 at Warzone