Kung isa kang fan ng mga post-apocalyptic wasteland na mga damit, kailangan mong malaman kung paano makuha ang Killshot skin sa Call of Duty Modern Warfare 3 at Warzone. 

Ang Killshot ay isang panibagong eksklusibong skin sa laro na dinagdag sa MW3 at Warzone Season 2 update sa pamamagitan ng isang limited-time event. 

COD Amazon MW2 WZ2 5000 points
Credit: ONE Esports
KUNIN ITO: Call of Duty 5,000 Points – Xbox

Nakatago ang pagkuha ng Killshot skin sa iilang mga challenges, at kung hindi mo ito natapos, maaring hindi mo ito makuha nang libre. 

Paano makuha ang Killshot Skin sa MW3 at Warzone 

COD MW3 Horde Hunt Event
Screenshot ni Hritwik Raj / ONE Esports

Sa MW3 at Warzone, maari mong makuha ang Killshot skin sa pamamagitan ng pagkumpleto ng mga featured zombie challenges at pagkuha ng mga rewards nito sa Horde Hunt event na magtatagal habang Marso 5. 

Kapag nakumpleto mo na ang mga challenges na ‘to, pumunta sa “Events” tab, piliin ang “Horde Hunt” event at kunin ang Killshot skin nang libre. Ang Killshot ay isang skin para sa Swagger operator ng Kortac, kaya naman kailangan naka-unlock ito para magamit mo ang Killshot skin. 



COD Captain John Price Funko Pop
Credit: Funko
KUNIN ITO: Captain John Price Funko Pop! Figure

Ito ang mga weekly featured challenges na kailangan mong tapusin: 

  • Week 1: “Tiny Screams” charm – 600 Armored Zombie Skulls 
  • Week 2: “Dogs of Hell” calling card – 300 Hellhound Skulls 
  • Week 3: “Cursed Ammo” – TBD (Mimics) 

Paano ma-unlock ang Swagger Operator sa MW3 at Warzone 

COD MW3 Swagger Skin
Screenshot ni Hritwik Raj / ONE Esports

Para ma-unlock ang Swagger Operator sa MW3 at Warzone, kailangan mo ng 10 Operator Kills sa isang multiplayer match gamit ang isang LMG. 

Kaya gawing Primary Weapon ang LMG sa iyong loadout at magsimula nang mag-grind para sa kills. 

Ang ibang links ay mga ONE Esports affiliate links. Ibig sabihin ay kapag pinindot mo ang mga ito at bumili ka, may matatanggap kaming kaunting komisyon. Wala itong additional na gastos sa’yo. Paraan ito para mapatakbo namin ang aming site at makapagbigay ng mahalagang content para sa’yo. Salamat sa iyong suporta!   

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang gabay tungkol sa COD. 

BASAHIN: Paano makuha at gamitin ang Ray Gun sa Warzone