Kung nais mong makuha ang isang malakas na weapon sa simula ng isang Resurgence match sa Fortune’s Keep map, kailangan mong makuha ang Ray Gun sa Call of Duty Warzone.

Para sa mga hindi nakakaalam, ang Ray Gun, na nakita na sa iilang game modes sa Call of Duty franchise, ay nakarating na sa wakas sa Warzone sa anyo ng isang easter egg sa Season 2 update na nagbalik sa Fortune’s Keep map sa loob ng Resurgence game mode. 

Kahit sa Warzone, ang Ray Gun ay isang overpowered weapon na madaling maka-one shot sa mga players na may full HP at tatlong armour plates sa loob lamang ng dalawang shots. 

Paano makuha at gamitin ang Ray Gun sa Warzone 

COD Warzone Ground Zero
Screenshot ni Hritwik Raj / ONE Esports

Sa Warzone, maari mong makuha ang Ray Gun sa pamamagitan ng pagsagot sa isang easter egg sa Fortune’s Keep map na kung saan hahanapin mo ang sikretong lokasyon na ma-aaccess mo mula sa Graveyard at Ground Zero POIs. 

COD Warzone Ground Zero Crater
Screenshot ni Hritwik Raj / ONE Esports

Una, pumasok sa isang Solo, Duo, Trio o Quads Fortune’s Keep Resurgence mode. Kapag nasa loob ka na ng match, pumunta sa Ground Zero POI at mag-drop sa gitnang crater. 

Makakakita ka ng isang sirang pader na magdadala sa’yo sa lab sa kanan. Pumasok sa loob at sundan ang kanang hallway hangga’t makakita ka ng isang pintuan sa kaliwa. 

COD Warzone Ray Gun Wall Directions
Screenshot ni Hritwik Raj / ONE Esports

Pagbukas mo ng pinto, makakita ka ng mga arrow na mag-gagabay sa’yo sa mga lokasyong ito: 

  • Loading Bay  
  • Production  
  • Laboratory  
  • Server Room  
  • Utility Room 

Piliin ang daan sa kaliwa papunta sa Loading Bay at Production at pagdating mo sa unang kwarto, tignan ang kanan mo para sa isang sikretong chamber sa tabi ng Sec B. 

COD Warzone Sec B Hidden area
Screenshot ni Hritwik Raj / ONE Esports

Pagpasok mo sa loob, makakakita ka ng mga crates na lumulutang sa tubig na may kuryente. Sa paligid ng kwarto, kailangan mong hanapin ang tatlong switch at patayin ang mga ito para makalangoy ka sa tubig. 



COD Warzone Disable Switches
Screenshot ni Hritwik Raj / ONE Esports

Pag natapos mo na ‘yan, pumunta sa unang crate, i-off ang unang switch sa tabi ng stairs at mag-dive sa ilalim ng tubig. Sundan ang daan hanggang sa makarating ka sa isang kwarto na may Ray Gun sa mesa. 

Kung wala pang ibang player na nakakuha ng Ray Gun, garantisado ang spawn nito. Puntahan ang Ray Gun at pindutin ang interact button para ma-equip ito. Pagkatapos niyan ay maari mo na itong magamit bilang weapon sa laro.  

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang gabay tungkol sa COD. 

BASAHIN: Best BP50 loadout sa Modern Warfare 3 at Warzone na pangwasak