Naghatid ng bagong wonder weapon ang Call of DutyModern Warfare 3 Season 1 sa Zombies game mode, ang VR-11.

CoD LT Simon Ghost Riley Funko Pop
Credit: Funko
KUNIN ITO: Lieutenant Simon “Ghost” Riley Funko Pop! Figure

Alamin kung ano ang saysay ng VR-11 wonder weapon, at kung paano ito makuha sa ONE Esports guide na ito. 

Ano ang VR-11 sa MW3 Zombies? 

CoD MW3 VR-11
Credit: Activision

Ang VR-11 ay isang bagong wonder weapon na hinahayaan kang bumaril ng zombies o mercenaries at gawin silang kakampi na umaatake sa ibang zombies o magsisilbing decoy. 

Dagdag pa riyan, maari mo itong gamitin para gawing invisible ang iyong teammate. 

CoD Captain John Price Funko Pop
Credit: Funko
KUNIN ITO: Captain John Price Funko Pop! Figure

Pwede mo ring ma-repair ang mga vehicles gamit ang weapon na ito. Importante ito sa pag-depensa na iyong ACV tank para makumpleto ang Escort Contract. 

Paano makuha ang VR-11 wonder weapon sa MW3 

Zombies 

Narito ang iba’t-ibang paraan para makuha ang VR-11. Ngunit wala talagang siguradong paraan para makuha ito. 

Maghanap ng Mystery Boxes 

Ang pinakamadaling paraan para makuha ito ay sa pamamagitan ng pagbukas ng Mystery Box. 

CoD all Ghillied Up Funko Pop
Credit: Funko
KUNIN ITO: All Ghillied Up Funko Pop! Figure

Gamitin ang iyong tac map at hanapin ang chest icon. Kailangan mo ng 950 Essence para mabuksan ang box na ‘to, na nagbibigay din ng random weapons.



Kumpletuhin ang mga kontrata sa Red Zone at Dark Aether 

CoD MW3 Reward Rift
Credit: Activision


Ang pag-kumpleto ng mga kontrata sa Red Zone at Dark Aether ay magbibigay sa’yo pagkakataon pumasok sa Reward Rifts. 

May posibilidad na mayroong malulupet na weapon blueprints at wonder weapon cases sa Reward Rifts na ‘to, at baka makahanap ka dito ng VR-11. 

Ngunit siguraduhing handa ang iyong tier three Pack-A-Punched gun para malabanan ang mga zombies sa mga lugar na ito. 

Talunin ang Gorm’gant sa Dark Aether 

CoD MW3 Zombies Gormgant boss
Credit: Activision

Ang pagtalo sa Gorm’gant sa dulo ng Bad Signam mission sa Dark Aether ay ang best option para makuha ang VR-11. 

Kapag napatay mo na ang worm boss na ‘to, mag-huhulog ito ng isang rare loot, na maaring mayroong VR-11 o Ray Gun case. 

Ngunit ang pagtalo sa Gorm’gant ay hindi ganoon kadali. Kailangan mo ng tulong ng teammates mo, o isang malakas na loadout kung ikaw ay mag-sosolo.

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang gabay tungkol sa Call of Duty.

BASAHIN: Paano ayusin ang Modern Warfare 3 Travis Rilea error code aka error code 14515