Ang matagal nang inaabangan ng marami na BP50 assault rifle ay opisyal na dumating sa Call of Duty Modern Warfare 3 at Warzone bilang bahagi ng Season 2 update.

Gaya ng laging nangyayari, kailangang alamin ng mga player ang best BP50 loadout sa pamamagitan ng paglalagay sa armas ng mga tamang attachments kung nais nilang sulitin ang lakas nito.

Gayunpaman, sa dami ng mga attachment ng armas na maaaring pagpilian, ang paghahanap ng pinakamahusay na mga ito ay maaaring maging mahirap na gawain, lalo na para sa mga nagsisimula pa lang. Dahil dyan, narito ang isang detalyadong pagsusuri ng best BP50 loadout sa MW3 at Warzone.



Best BP50 loadout na magagamit ng mga player sa MW3 at Warzone

BP50 Modern Warfare 3 TrueGameData stats
Screenshot ni Tarun Sayal/ONE Esports

Narito ang aming rekomendasyon para sa pinakamahusay na attachments upang lumikha ng best BP50 loadout sa MW3:

  • Muzzle: VT-7 Spiritfire Suppressor
  • Barrel: Lore-9 Heavy Barrel
  • Underbarrel: Bruen Heavy Support Grip
  • Magazine: 45-Round Magazine
  • Stock: Moat 40 Stock

Ang nasabing loadout na ito ay nagpapabuti sa pangkalahatang control ng recoil, firing range, mobility, at magazine capacity ng bagong BP50 assault rifle, na nagiging perpekto para sa laban sa malapitan hanggang mid-range. Gaya ng laging sinasabi, maaari mong gamitin ang loadout na ito sa laban para sa optimal na performance at ayusin ito ayon sa iyong playstyle.

Attachment Breakdown

VT7 Spearfire Suppressor

Nagsisimula ang aming loadout sa VT7 Spearfire Suppressor, isang mahalagang attachment para manatili sa labas ng radar habang pinapabuti ang control ng recoil at damage range. Isang subok na suppressor, ito ay mabisang gumagana kasama ang iba’t ibang long-range weapons, kaya’t isa ito sa mga pangunahing bahagi ng setup na ito.

Lore-9 Heavy Barrel

Lumipat naman tayo sa barrel, kung saan ang Lore-9 Heavy Barrel ay nangunguna. Nag-bibigay ito ng mas mataas na bullet velocity, range, at hindi kapani-paniwala ang control sa gun kick, recoil, at firing aim stability, na nagpapatibay sa BP50 bilang isang laser beam sa labanan.

Bruen Heavy Support Grip

Para sa superior stabilization, ang Bruen Heavy Support Grip ay nariton bilang isang under-barrel attachment. Bagaman may kaunting pagbawas sa ADS speed, malaki ang naitutulong ng grip na ito sa control ng gun kick, aiming idle sway, horizon recoil, at firing aim stability. Isang mahalagang bahagi para mapanatili ang accuracy sa mga mainit na laban.

45-Round Magazine

Ang tanging kahinaan ng BP50 ay nagiging malinaw sa parte ng magazine, na meron lamang 45-round mag. Sa kahusayan ng armas na ito, kailangan maging maingat ang mga player sa mabilis na pagkaubos ng bala. Bagaman ang 60-round mag ay mas mainam, ang kasalukuyang capacity ay sapat para maging epektibo sa laban.

Moat 40 Stock

Ang huling bahagi ng aming setup ay ang Moat 40 Stock, na ginagamit dahil sa kanyang kahanga-hangang iron sights. Katulad ng RAM-7 setup, ang stock na ito ay nag-aambag sa control ng gun kick, ADS speed, aim walking speed, at recoil control. Bagaman may kaunting sakripisyo sa movement speed, sprint speed, at sprint-to-fire capabilities, tiyak ang Moat 40 Stock sa kahit anong pangangailangan pagdating sa stability.

Para sa iba pang balita at guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Kailan babalik ang Rebirth Island sa Warzone?