Nagdagdag ng elemento mula sa underworld ang Season 7 ng Call of Duty: Mobile matapos nitong i-introduce ang bagong Hades light machine gun.

Tampo ang pinakamabilis na fire rate sa light machine gun category, ‘di malabong ito na ang maging susunod na meta pick lalo na sa mga sitwasyong kailangan mong ratratin ang mga kalaban.

Weapon attributes ng Hades LMG

Hades LMG Call of Duty: Mobile
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Gaya ng mga tipikal na LMG na kailangan mo buhatin sa mapa, nag-o-offer ang Hades ng magandang base stats sa damage, range, at control.

Nakita sa trailer ang kakayahan nitong pumunit ng mga kalaban nang sunod-sunod at magkaroon pa rin ng sapat na bullet sa magazine nito kung sakaling kailangan na mag-re-engage.

Para makumpleto ang LMG qualities nito, nabanggit ng mga developer na meron itong unique Crossbar attachment na nagpapataas ng hipfire accuracy.

Narito weapon attributes ng Hades LMG:

Credit: Call of Duty: Mobile
  • Damage: 29
  • Accuracy: 57
  • Range: 53
  • Fire rate: 65
  • Mobility: 55
  • Control: 60

Paano ma-unlock nang libre ang Hades sa Call of Duty: Mobile Season 7

Hades LMG Call of Duty: Mobile
Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Para ma-unlock nang libre ang bagong LMG, kailangan lang mapa-abot sa Tier 21 ang iyong Season 7 Battle Pass.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Call of Duty: Mobile Season 7, bisitahin lang ang kanilang opisyal na blog post.


Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na article sa matatagpuan dito.