Kasabay ng paglabas ng Modern Warfare II, inilabas din ng Call of Duty ang next generation ng kanilang free-to-play battle royale game na Warzone.

Sa Warzone 2.0, ang mga players ay maaaring magmaneho sa mga sand dunes, lumangoy sa baybayin, at pagmasdan ang kakaibang tanawin sa Al Mazrah, ang pinakabagong disyerto sa laro.

Narito ang gabay kung paano i-download ang Warzone 2.0 sa PC, kabilang na ang mga detalye tungkol sa system requirements at file size.

Guide kung paano i-download ang Warzone 2.0 sa PC

Steam

  1. I-search ang Warzone 2.0 sa store.
  2. I-cick ang “Play Game” option, na magpa-prompt sa’yo na i-download at i-install ang game.
  3. Kapag tapos na ang download, piliin ang “Call of Duty Modern Warfare II | Warzone 2.0” sa iyong library at i-click ang “Play Game.”

Tandaan na kailangan mo pa rin ng Activision account upang malaro ang game.

Battle.net

  1. I-search ang “Call of Duty: MWII | WZ2.0” sa Games tab.
  2. I-cick ang “Play For Free” option, na magpa-prompt sa’yo na i-download at i-install battle royale game.
  3. Kapag tapos na ang download, piliin ang MWII | WZ2.0 icon at i-click ang “Play” option.

Warzone 2.0 file size: Gaano ba ito kalaki?

Warzone 2 Hafid Port
Credit: Activision Blizzard

Ang initial file size ng Warzone 2.0 ay 21.35GB sa Steam at 25GB naman sa Battle.net. Gayunpaman, patuloy na makakatanggap ang game ng updates na magpapalaki pa lalo sa file size nito.


Minimum at recommended specs para sa Warzone 2.0

Narito ang minimum at recommended specs ng Activision Blizzard upang malaro ang Warzone 2.0:

HARDWAREMINIMUMRECOMMENDED
OSWindows 10 64-Bit (latest update)Windows 11 64-Bit (latest update)
CPUIntel Core i3-6100/Core i5-2500K or AMD Ryzen 3 1200Intel Core i5-6600K/Core i7-4770 or AMD Ryzen 5 1400
RAM8 GB12 GB
Hi-Rez Assets CacheUp to 32 GBUp to 32 GB
Video CardNVIDIA GeForce GTX 960 or AMD Radeon RX 470NVIDIA GeForce GTX 1060 or AMD Radeon RX 580
Video Memory2 GB4 GB

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.