Masarap sa pakiramdam pag nanalo kayo sa Call of Duty Warzone Pacific. Pero ibang usapan pag kayo mismo ang nagtumba sa karamihan nang mga players sa lobby.

Ang mga niyembro ng FaZe Clan na sina Kris “Swagg” Lamberson at Ean “Booya” Chase, kasama sina Biffle ng Complexity at Evan “SuperEvan” Moore, ay nakatapos ng isang halimaw na 134-kill game sa Caldera map ng Warzone Pacific, kung saan ang bawat player sa kanilang squad ay nakakuha ng mahigit 30 kills.

Isang bagong Call of Duty Warzone world record ang naitala para sa Caldera Quads

Ito ang bagong world record para sa Quads playlist sa Caldera, kung saan nangunguna sa scoreboard ng team si SuperEvan na may 35 kills at 11,954 damage dealt.

CallofDuty Warzone World Record Caldera Scoreboard
Screenshot by Koh Wanzi/ONE Esports

Subalit ang record ng pinakamataas na bilang ng kills sa Call of Duty Warzone ay pagmamay-ari pa rin nina Aydan “Aydan” Conrad, Ben “Almond” Rosendahl, Edy “Newbz” Juan, at ScummN.

Nakapagtala sila ng tumataginting na 162 kills sa Verdansk noong March 5, 2021, na mas marami sa bilang ng mga players na nasa lobby, nangangahulugang napatay nila ang ilan sa mga ito nang dalawang beses.

Gayunpaman, nakakabilib pa rin ang bagong Warzone world record para sa Quads playlist at siguradong gugustuhin itong mahigitan ng mga top players.

Ang average lobby K/D ay nasa 0.84 lamang, at walang kahirap-hirap na nahigitan ni Swagg at ng kanyang squad ang bawat player na nakaharap nila. Bago pa man bumagsak ang mga loadout drops ay nakakuha na ng 18 kills si Swagg.

CallofDuty Warzone Swagg Cooper Carbine Loadout
Screenshot by Koh Wanzi/ONE Esports

Para maitala ang bagong Warzone world record sa Caldera, gumamit si Swagg ng Cooper Carbine assault rifle na may class setup, loadout, at perks na nakalista sa ibaba:

Cooper Carbine assault rifle loadout ni Swagg

SLOTATTACHMENT
MuzzleMX Silencer
Barrel22″ Cooper Custom
OpticG16 2.5x
StockCooper 45RS
UnderbarrelM1941 Hand Stop
Magazine9mm 60 Round Drums
AmmunitionLengthened
Rear GripPolymer Grip
Weapon Perk 1Tight Grip
Weapon Perk 2Fully Loaded

Ipinares nya ito sa MP-40 submachine gun para sa pangmalapitan na laban, na sinamahan ng Cold-Blooded, Overkill, at Combat Scout perks.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.