Sa edad lang na 24 taong gulang, si Oleksandr “s1mple” Kostyliev ay itinuturing na isa sa pinakamalulupit na manlalaro sa Counter-Strike: Global Offensive (CS:GO). Mula 2018, kabilang siya sa top 2 sa listahan ng HLTV ng pinakamagagaling na player sa buong mundo, patunay ng kanyang consistency at impact sa mga nagdaang taon.

Naglalaro rin ang Ukrainian pro ng Valorant, ang tactical shooter ng Riot Games. Bagamat pinuna ng Major at Intel Grand Slam winner ang laro dahil sa pagiging masyadong simple umano nito, ini-stream niya pa rin ito paminsan-minsan.

Sa isang Twitch stream kamakailan, ipinakita ni s1mple ang kanyang ranked history at sunod-sunod na match MVP. Kapansin-pansin na iisang agent lang ang nilalaro niya — si Chamber, ang posibleng pinaka-overpowered agent sa Valorant.


Si s1mple ay isang Chamber main

Chamber Operator
Credit: Riot Games

“When I pick an agent, I pick Chamber every time,” paglalahad ni s1mple, na may in-game name sa Valorant na Levi Ackerman, isang pagtukoy sa kapitan sa anime na Attack on Titan.

Si Chamber ang pinaka-nagdodominang agent sa pro meta. Sa katunayan, siya ang most played agent sa VCT NA Stage 2 Challengers kung saan may pick rate siya na 80% at napili sa halos lahat ng mapa.



Bilang isa sa mga pinakakinakatakutang aimers sa CS:GO at isang halimaw sa AWP sniper rifle, marahil si Chamber nga ang perpektong agent para sa 20-time HLTV MVP. Ang French sentinel ang isa sa pinakamalakas na agents pagdating sa paggamit ng Operator, salamat sa kanyang abilidad na makapag-peek nang maaga at makaalis gamit ang kanyang teleport.

Ang kanyang Tour De Force ultimate niya naman ay isang literal na fast-firing sniper rifle, na siguradong nakamamatay na armas sa kamay ng mga manlalarong tulad ni s1mple.

At kahit pa kaswal lang siyang naglalaro ng Valorant, tinapos pa rin ng CS:GO Goat ang Valorant Episode 4 Act III nang nasa Immortal 2.

s1mple
Credit: ESL

Para sa Valorant news, guides at highlights, maaari niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Ito’y pagsasalin ng artikulo ni Wanzi Koh ng ONE Esports.