Walang duda, si Tier One Entertainment co-founder Alodia Gosiengfiao ay isang reyna ng cosplay.

Matapos magsuot ng LoL-inspired costumes at pagiging isang Genshin Impact goddess, bumibida ngayon ang gaming icon sa pamamagitan ng kanyang pinakabagong cosplay na tampok ang isang sikat na Elden Ring character.

At hindi ito si Iron Fist Alexander.


Ipinasilip na Alodia ang kanyang Ranni the Witch cosplay

Ipinasilip ng Filipina cosplayer ang kanyang bagong cosplay sa kanyang Facebook page. Suot ang isang robe sa kanyang selfie, agad napansin ng mga fans ang pagkakahawig ng kanyang buhok at makeup kay Ranni the Witch ng Elden Ring.

Mayroon siyang kulot na blue and white wig at pale blue body paint sa kanyang leeg at mukha. May suot din siyang kumikinang na contact lenses para gayahin ang malamig na titig ng starry-eyed sorceress.

Para sa mga hindi pamilyar sa Elden Ring, si Ranni the With ay isang demigod spirit na gumagala sa Lands Between upang hanapin ang kanilang tunay na pisikal na katawan. Abangan niyo siya in-game dahil bibigyan ka niya ng kapangyarihan na mag-summon ng spirits na tutulungan ka sa mga laban.

Ayon sa kanyang caption, nasubukan na rin ni Alodia na maglakbay sa Lands Between. Nabanggit ng gaming personality ang isang “Golden Horse” na gusto niyang kalabanin ulit, isang reference sa Tree Sentinel na unang boss sa laro pagkatapos mong gawin ang tutorial.

Alodia sa kanyang Ranni the Witch costume
Credit: Alodia Gosiengfiao

Nag-post din si Alodia ng mabilis na clip ng kabuuan ng kanyang cosplay. Dito ay may suot na siyang cloak, malaking hat at pangalawang pares ng pale blue arms. Talaga namang gayang-gaya ng cosplayer ang mystical pose ni Ranni.

Maaaring makita ng fans ang cosplays, memes at livestreams ng gaming influencer sa kanyang Facebook page.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang istorya patungkol sa cosplay.


Pagsasalin ito ng artikulo ni Joseph “Jagwar” Asuncion ng ONE Esports.