Kilala is cosplay queen Alodia Gosiengfiao sa kanyang unique takes sa mga prominenteng karakter sa League of Legends at Elden Ring. Pero isinantabi niya muna ang wands at spells para sa isang nakakabilib na retro FPS look sa kanyang pinakabagong photoshoot.

Mukhang handa na sa barilan ang gaming personality bilang Scylla Light Runner, ang bagong 80s-inspired Operator skin sa Call of Duty Mobile.


Ipinakita ni Alodia Gosiengfiao ang kanyang bagong Syclla Light Runner cosplay

Scylla Light Runner cosplay ni Alodia
Credit: Alodia

Swak na swak ang costume ng Filipina influencer at perpektong na-recreate ang neon highlights ng karakter na may reflective pink material sa kanyang jacket, shoulder pads at gloves. Ang nagsilbing cherry on top ng buong cosplay ay ang kanyang nagliliwanag na rifle, na kuhang-kuha ang kasamang AK-47 Radiance skin ni Scylla.

May binago rin si Alodia sa kanyang sariling version ng 80s Operator skin. Imbes na magsuot ng opaque goggles tulad ng orihinal, pinili niyang magsuot ng mas transparent na version na na-highlight ang kanyang make-up.

Credit: Alodia

Makikita sa behind-the-scenes Facebook video ni Alodia ang kanyang hands-on DIY attitude na dinala niya at ng kanyang mga designer sa photoshoot. Sa kabila ng ilang problemang hinarap nila sa paglalagay ng lahat ng accessories, hindi natinag si Alodia at kanyang crew sa pagbibigay ng buhay kay Scylla.

“As always, there’s no such thing as a cosplay shoot where nothing has to be repaired,” sabi ng Tier One Entertainment co-founder.

Sa mga mahilig sa neon lights at mullet hairstyles, pwede niyong makuha abg Scylla Light Runner ngayon sa Ultraviolet Mythic Drop ng Call of Duty Mobile sa presyong 20 CP kada draw.



I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa CoD news, guides at highlights.

Ito’y pagsasalin ng artikulo ni Joseph “Jagwar” Asuncion ng ONE Esports.