Dinadala ng Chainsaw Man anime ang mga viewers sa underworld ng Tokyo na puno ng mga demonyo at iba pang mga hunters.

Sa ilalim ng pamamahala ng Public Safety official na si Makima, magiging parte ng bagong devil hunter squad ang bida na si Denji. 

Kasama sa squad si Himeno bilang isa sa mga nakatataaas ni Denji kasama ni Aki Hayakawa. ‘Di tulad sa striktong paraan ni Aki, si Himeno ay mas mahinahon at mapang-tukso sa mga recruits. 

Kuhang-kuha ng Japanese cosplayer na si Momo Tomomoto ang devil hunter at drinking buddy na si Himeno.



Momo Tomomoto, pinakita ang dalawang moods ng devil hunter sa kaniyang Himeno cosplay 

Suot ni Momo ang devil hunter uniform ng character sa kaniyang unang set ng litrato ng kaniyang Himeno cosplay. Kinumpleto niya ang kaniyang black suit kasama ang isang eyepatch. 

Sa serye, bumuo ng isang kontrata si Himeo sa Ghost Devil para makontrol ang kaniyang kanang kamay kapalit ang kaniyang kanang mata. 

Ginaya rin ng cosplayer ang isa sa mga mas intimate na eksena sa Chainsaw Man kung saan inimbita ni Himeno si Denji na matulog sa kaniyang tirahan. 

Kuhang-kuha ni Momo ang look ng kaniyang Himeno cosplay sa kaniyang asul na tank top na may kasamang mga beer cans sa tabi. 

Culture Himeno cosplay
Credit: Momo Tomomoto

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa iba pang kwento tungkol sa mga cosplays ng mga paborito mong anime.

BASAHIN: Suki actress sa Avatar live action: Sino ang gumanap bilang magandang Kyoshi Warrior?