Wala kaming masasabi kundi nakakabighani ang Luocha cosplay na ito ni Weilanran.  

Swabeng ginampanan ng Chinese cosplayer at Honkai Star Rail fan na si Weilanran ang 5-star Imaginary character na ‘to sa mga litrato niya sa kaniyang social media accounts.



Mapapanganga ka sa Honkai Star Rail Luocha cosplay ni Weilanran 

Makikita ang kaniyang atensyon sa detalye. Binigyan buhay ni Weilanran ang bawat elemento ng suot ng foreign trader – ang isang elegantend itim na turtleneck, puting coat at pantalon, isang mahabang berdeng scarf, at mga gintong accessories.

Ang talagang nakakabighani ay ang pagmumukha niya: ang dumadaloy na blonde hair at hooded na mga mata na tila’y hinihigop ang ating mga kaluluwa.

Kahit na wala ang signature na kabaong ni Luocha, walang kahirap-hirap na nagiwan ng impresyon ang Honkai Stair Rail cosplay ni Weilanran sa mga Trailblazers.

Honkai Star Rail Luocha cosplay ni Weilanran
Credit: Weilanran

Kilala si Luocha bilang isang intergalactic merchant na nakarating sa Xianzhou Luofu ship noong Stellaron crisis. Siya ay kapansin-pansin dahil sa kabaong na dala-dala niya sa kaniyang likod na tinuturing niyang “tool of his trade.”  

Sa labanan, isang overpowered support character si Luocha. Gamit ang kaniyang skill na Prayer of Abyss Flower, may abilidad siyang mag-heal ng mga kakampi niya. Ang ultimate move niya ay hindi lang pumupuksa sa mga buffs ng kalaban kundi naghahatid din ng Imaginary damage.  

Siya ay unang lumabas sa laro sa version 0.70 noong pangalawang closed beta ng HSR. Nag-debut siya sa version 1.1 matapos ang opisyal na release ng laro.  

Honkai Star Rail Luocha cosplay ni Weilanran
Credit: Weilanran

Nag-cosplay na rin si Weilanran ng mga characters mula sa Genshin Impact, isa pang HoYoverse game, tulad nina Alhaitham, Baizhu, at Zhongli.  

Para makita ang mga iba pa niyang cosplay, sundan siya sa Twitter (@RAN41382579) at Instagram (@weilanran).

Para sa iba pang balita tungkol sa anime, gaming, at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Pinakita ng Satoru Gojo cosplay na ‘to kung anong feeling makipag-date sa kaniya sa Spring