Inilabas lamang kamakailan sa Mobile Legends: Bang Bang ang pinakabagong anime-inspired skins na The Aspirants. Sa unang tingin pa lamang ay mamamangha na ang sinumang anime fan ngunit kung papakinggan ang mga boses ng mga karakter ay siguradong mas lalong masasabik ang marami dahil binosesan din sila ng mga aktres na sina Nana Mizuki at Yoshino Nanjo.

Heto ang ilan sa mga dapat malaman tungkol kay Yoshino Nanjo, ang boses ng Miss Hikari Layla.


Sino si Yoshino Nanjo?

Credit: Yoshino Nanjo

Si Yoshino Nanjo ay isang Hapon na voice actress na kilala sa pagbibigay-buhay Eli Ayasa, isang karakter sa Love Live! School Idol Project. Kilala din ang aktres na gumanap bilang si Maaya Awatsuki ng A Certain Scientific Railgun at Kokoro Akechi ng Detective Opera Milky Holmes.

Madaling makilala ng Japanese pop (J-pop) fans ang boses ni Yoshino Nanjo dahil isa siyang lead signer sa J-pop duo na fripSide, isang bandang dati ay kinabibilangan nina Satoshi Yaginuma at Nao.

Gumanap na lead si Yoshino matapos lumisan ni Nao noong 2009. Kilala ang fripSide sa paggawa ng theme songs sa mga anime series tulad ng A Certain Scientific Railgun, Hayate is A Combat Butler, at Black Bullet.

Credit: Onmyyoji

Bukod sa pagboboses sa mga anime, nagtrabaho din si Yoshino bilang mga karakter sa iba’t-ibang video games tulad na lamang ni Kiria Kurono ng Tokyo Mirage Sessions ♯FE at ni Kinnara mula Onmyoji. Pinakabagong adisyon sa mga karakter na binosesan ng aktres ang Miss Hikari Layla ng Mobile Legends: Bang Bang.


Mga karakter na ginampaman ni Yoshino Nanjo at iba pa

CHARACTERANIME SERIESCHARACTER DESCRIPTION
Maria OosawaCANAANMaria is Canaan’s supportive close friend. She suffered amnesia due to the trauma during the Shibuya incident.
Maaya AwatsukiA Certain Scientific RailgunMaaya is a Level 3 Academy City esper who can manipulate the buoyancy of the user and their surroundings.
YuniReborn!Yuni is the third Sky of the last generation of Arcobaleno. She possesses the power to read people’s minds and feelings.
Aiko KudouIdiots, Tests, and Summoned BeastsAiko is a techy, green-haired student from Fumizuki Academy. 
Kokoro AkechiDetective Opera Milky HolmesKokoro Akechi leads the Genius Four police investigation unit, a department in Yokohama specializing in anti-phantom thief incidents.
Sayuri KakinumaAnotherSayuri is a quiet and shy student who often has her nose stuck in a book.
Eli AyaseLove Live! School Idol ProjectEli is the student council president of the Otonokizaka High School and one of the main characters of the series.

Miss Hikari Layla skin ng Mobile Legends: Bang Bang

Credit: Moonton

Ang Miss Hikari Layla skin ay isang rendisyon sa kilalang marksman hero na umikot sa futuristic na konsepto. Sa skin na ito, mapapansin na suot ni Layla ang fusion ng itim na dress at putting robotic na mga braso at paa na maihahalintulad sa mecha girls sa mga anime.

Ang kaniyang signature energy cannon ay parte na rin ng kaniyang braso, kaya naman mas nakahahalina siyang gamitin ngayon in-game.

Alamin ang iba pang mga detalye tungkol sa Aspirants anime skins dito.

Maaaring makuha ang Miss Hikari Layla skin mula January 22 hanggang February 25 sa draw event.

BASAHIN: MLBB NFT: Ano nga ba ang Aspirants Mystery Box?