Matapos ianunsyo sa Mobile Legends: Bang Bang ang unang serye ng anime-inspired skins sa Land of Dawn na tinawag na The Aspirants, tinahak naman ng Moonton ngayon ang Non-Fungible Tokens o NFT.
Ang The Aspirants Mystery Box ay ang unang MLBB NFT collection, kung saan may mga maswerteng mananalo ng digital figurines, exclusive animations at iba pang in-game prizes.
Maikling paliwanag tungkol sa MLBB NFT collection na The Aspirants Mystery Box

Para sa mga hindi nakakaalam, ang NFTs ay mga unique digital o physical assets na maaaring mabili o ibenta sa cryptocurrency blockchain. Bawat token na nasa merkado ay bukod-tangi kaya naman isa ito sa mga pinakamahal at pinaka-patok sa panahon ngayon.
Dito pumapasok ang MLBB NFT collection na The Aspirants Mystery Box. Ang mga bibili ng boxes ay may tiyansang manalo ng eksklusibong EMOJI NFT Airdrop ng Aspirants skin series.
Mechanics ng MLBB NFT Collection

Mayroong 25,000 total na bilang ng mystery boxes na inilabas, kung saan may 300 boxes ang inireserba para sa community airdrops. Bawat user ay maaaari lamang makabili ng 100 boxes.
Ito ang pagkakasunod-sunod ng rarity ng boxes: super super rare (SSR) to normal (N) — SSR, SR, R, and N.
| SKIN | RANK | NUMBER OF BOXES | PROBABILITY |
| Blade of Kibou Fanny | SSR | 150 | 0.60% |
| Miss Hikari Layla | SSR | 150 | 0.60% |
| Skylark Fanny | SR | 1850 | 7.40% |
| Blazing Gun Layla | SR | 1850 | 7.40% |
| Lightborn – Ranger Fanny | R | 2250 | 9% |
| S.A.B.E.R. Breacher Layla | R | 2250 | 9% |
| Christmas Carnival Fanny | R | 2250 | 9% |
| Bunny Babe Layla | R | 2250 | 9% |
| Campus Youth Fanny | N | 3000 | 12% |
| Green Flash Layla | N | 3000 | 12% |
| Lifeguard Fanny | N | 3000 | 12% |
| Blue Specter | N | 3000 | 12% |
Kung matagumpay na makokolekta ang bawat rank box ay magkakaroon ang buyer ng isang random Miss Hikari Layla o di kaya naman ay Blade of Kibou Fanny emoji NFT airdrop na limitado sa lamang sa 100. Sa madaling sabi, tig-50 ang bawat hero.
Bisitahin ang official site ng MLBB NFT collection sa Binance para sa mas marami pang detalye tungkol dito.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa pinakahuling balita tungkol sa Mobile Legends: Bang Bang.