Isa ang Estes sa pinakadominanteng support hero sa competitive scene ng Mobile Legends: Bang Bang noong 2021. Kilala bilang isa sa pinakapaboritong pick ng M3 World Champions na Blacklist International, mabibilang sa daliri ang pagkakataong napipigilan ang hero sa tipikal nitong roam support role.

Gayunpaman, ipinakita ng bantog na Pinoy streamer na si Edgar “ChooxTv” Dumali na ang hindi lamang sa role na ito maaaring gumana ang hero, bida ang kaniyang marksman Estes na nambalagbag sa isang ranked game katambal pa ang komedyang nagpa-aliw lalo sa mga fans na nanood.


Ipinakita ni ChooxTv ang nakaka-aliw na marksman Estes gameplay sa isang livestream

Credit: Moonton

Sa isa sa kaniyang pinakahuling uploads sa YouTube, hindi nagdalawang-isip si ChooxTv na i-lock in ang support hero. Sa una, inakala ng kaniyang mga kalaro na lalaruin niya ang Estes sa tipikal nitong role, ngunit mabilis na kumuha ng mga offensive items ang sikat na streamer na gumulantang sa kaniyang ga kakampi.

Gayunpaman, pinakita ng personalidad na hindi ito laru-laro lamang ng makaselyo siya ng ilang kills at assists sa unang sampung minuto ng laban.

Kasama ng healing skills ng hero, hindi sinayang ni ChooxTv na magpakawala ng damage habang sinusuportahan ang kaniyang mga kasangga sa teamfights. Epektibo ang marksman Estes ng streamer dahil pinadali niya ang buhay ng kanilang jungler na Karina na nagsimulang mag-snowball sa likod ng kaniyang heals at initation.

Malaking gulat para sa iba ng nagtapos ang laro ng may 4/0/16 KDA sa loob ng 16 minuto ang kaniyang marksman Estes, lalo pa’t si ChooxTv ang nakakuha ng MVP award.

Panoorin ang marksman Estes gameplay ni ChooxTv dito.

Marksman Estes build ni ChooxTv

Hindi pa rin rekomendado ang pagbuo ng marksman items sa Estes, ngunit kung gusto ninyong subukan ang ginawa ni ChooxTv, heto ang build sa hero:

  • Swift Boots
  • Berserker’s Fury
  • Endless Battle
  • Windtalker
  • Rogue Meteor
  • Javelin

Hindi niya nagawang tapusin ang full build sa larong ito ngunit malaki ang tiyansang Scarlet Phantom at Blade of Despair ang isusunod ng streamer base sa istilong gusto niya isalang sa laro.

Antabayanan ang mga ganitong istorya sa Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Nakaaliw at epektibo ang tank Clint ni ChooxTv