Mahirap maging kalaban si Dawnbreaker ngayon sa Dota 2 patch 7.31d.

Sa pubs o competitive play man, madalas pumapasok sa pick phase ang naturang strength hero. Isa mang high physical damage core o support na kayang ipinalo ang lane, isa siya sa mga pinakamalakas na hero sa kasalukuyan.

Pero siyempre kahit ang pinakamalakas ay kayang mapa-amo. Narito ang tatlong pinakamabisang counter kay Dawnbreaker.


Best counters kay Dawnbreaker sa kasalukuyang patch

Winter Wyvern

Credit: Valve

Isa si Winter Wyvern sa may pinakamagandang overall kits laban kay Dawnbreaker. Mahirap siyang hanapin sa backlines at ang kanyang ultimate na Winter’s Curse ay isang perpektong pangontra kay Valora.

Dahil pwede lang gamitin ni Dawnbreaker ang Solar Guardian sa mga kakampi, ‘di niya maiiwasang tumalon sa isa sa mga ito, lalo na kapag naka-lockdown ng Winter’s Curse. Agad siya nitong nai-stun pagkalapag, maliban na lang kung handa siyang gumamit ng tatlong segundo ng kanyang Black King Bar para ma-counteract ito.



Mas lalong epektibo ito sa mga core Dawnbreakers, na madalas ay may malaking physical damage at kayang ipawalang-bisa ang heal ng kanyang Solar Guardian at patayin ang sarili niyang kakampi.

Naka-counter din ng Cold Embrace ni Wyvern ang physical damage ni Dawn mula sa Starbreaker. At madalas maglaro sa paligid ng vision si Auroth gamit ang Arctic Burn at mga item tulad ng Blink Dagger at Aether Lens kaya siguradong mahihirapan ang sinuman na mahanap siya.


Batrider

Credit: Valve

Laging gusto ni Dawnbreaker na pumunta sa gitna ng isang team fight at si Batrider ang isa sa pinakamahusay na countermeasure para diyan. Madaling target si Valora para mahila ni Bat palabas sa kanyang posisyon. At bagamat magaling siya pumasok, ‘di siya ganoon kagaling sa paglabas dahil ang tangi niyang mobility skill ay ang Celestial Hammer.

Nais ng isang Dawnbreaker na maglaro malayo sa kanyang koponan at sulitin ang global potential ng kanyang Solar Guardian ultimate. Dahil dito ay perpektong spell ang Flaming Lasso ni Batrider para matali siya nang walang kamalay-malay.

Tulad ni Wyvern, naglalaro rin sa paligid ng vision si Batrider gamit ang kanyang Firefly kaya mahirap siyang mahabol. Mayroon din siyang Sticky Napalm na pwedeng magpabagal sa turn rate ni Dawn at paggamit niya ng Celestial Hammer at Starbreaker. Ang Flamebreak naman ay mabisang pamputol sa animation ng Starbreaker kapag hindi pa ‘to upgraded ng Aghanim’s Shard.


Razor

Credit: Valve

Bilang isa sa premier anti-carries sa Dota 2, kayang higupin ni Razor damage ng isang Dawnbreaker gamit ang kanyang Static Link. Mahilig mag-commit hard si Valora at madali itong maabuso ng Lightning Revenant.

Mahirap din para sa Dawn na mahuli si Razor dahil sa kanyang Plasma Field at movement speed mula sa Storm Surge. Mababa rin ang armor ng isang Dawnbreaker at lalo pa siyang mapapalambot ng armor reduction na nagmumula sa Eye of the Storm ultimate.


Para sa Dota 2 news, guides, at highlights, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Base ito sa katha ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.