Valora, ang Dawnbreaker, ay isa mga pinakabagong Dota 2 heroes na pumasok sa laro— at matunog na agad ang karakter sa eksena.
Ilang patches matapos ang kaniyang introduction, ang adisyon ng Aghanim’s Shard at iba pang buffs ang rason kung bakit siya na ang premier do-it-all hero. Anumang role ang gagampanan sa laro, maaaring opsyon ang Dawnbreaker lalo pa’t ginagwa na ito ng mga players sa professional play.
Rason kung bakit “it girl” ang Dawnbreaker

Hindi lamang sa competitive scene popular ang Dawnbreaker. Naisasalang din ang hero sa bawat role na mayroon sa laro. Kung susumahin, eksklusibong maituturing kapag sinabing do-it-all hero ang isang karakter— at sa larangang ito, si Valora ang primera. Kahit pa Death Prophet at Monkey King na madalas na flex picks ay madalas na lamang sa dalawang posisyon isinasalang.
Samantala, swabe sa lahat posisyon ang Dawnbreaker kung saan patuloy na nagtatagumpay ang pros na ito:
- Anton “dyrachyo” Shkredov
- Sumail “SumaiL” Hassan
- Ludwig “zai” Wåhlberg
- Kenny “Xepher” Deo
- Tal “Fly” Aizik
Napatunayan na ang lakas ng hero bilang counter initiator dala ng kaniyang global presence mapa-core man o support role.
Sa mga pagkakataong ginawang core ang hero, desente ang wave clear ng Dawnbreaker dahil sa kaniyang high damage spells at sustainable kapag nilaro kontra sa zoo strat heroes tulad ng Beastmaster, Lycan at Visage. Dahil ito sa spells niyang Starbreaker at Luminosity.
Bilang support, tanky at malakas pa rin ang damage capacity ng karakter kaya naman epektibo ito itambal sa weaker cores, o di kaya naman ay bilang follow-up sa kill lane. Ang high base stats din ng hero ang nagbibigay sa kaniya ng kapasidad na makipag-trade, na kaya pa ngang maging flexible hero na maaring buuan ng item na kailangan ng team.
Anong role maganda isalang ang Dawnbreaker?

Pinakamahirap na laruin bilang hard carry ang Dawnbreaker. Makakategorya siya bilang semi-carry na maaaring isalang sa offlane dahil sa kaniyang laning advantages. Gayunpaman, hindi ganoon kaganda ang damage scaling dahil karugtong ito ng kaniyang abilities kagaya ng Nigh Stalker, Bristleback at Dragon Knight.
Kahit pa ganoon ay isa pa rin siya sa pinakapopular na heroes sa offlane ayon sa Dota 2 Pro Tracker, at may desenteng win rate din sa bawat posisyon na isinasalang ito.
Karugtong nito, nangangahulugan ding mi-game ang timing ng hero. Kaya ng Starbreaker na pumunit ng supports katuwang pa ng kaniyang tindig na talagang magpapaisip sa mga kalaban kung tama bang makipag-normalan sa kaniya. Binibigyan din siya ng Celestial Hammer spell ng abilidad na mag-initiate o mag-disengage na nangangahulugan din na mas maraming puwang para mabilhan siya ng damage o utility items kaysa sa Bling Dagger.
Bukod dito, may global presence din dahil sa kaniyang Solar Guardian skill kung kaya’t kaya niyang kumuha ng farm sa mga mapapanganib na spots, ngunit kaya pa ring rumesponde sa team fights.
Sa lane naman, swabe ang kaniyang AOE abilities para ma-clear ang waves at mag-push. Kahit nga level two pa lamang ay malaki na ang power spike para sa hero dahil sa Celestial Hammer double hit at DOT, at sa tatlong swipes ng Starbreaker. Ang combo na ito, katuwang ng stun or nuke spell ay madalas na sapat na para mag-punish ng kalabang hero lalo na kung ito ay melee hero.
Mabilis magpalit ng priority dahil sa Flexible item build

Pagdako ng mid-game, malaking parte ng kaniyang flexibility ang maraming item builds na maaaring buuin para sa karakter. Partikular na dito ang pagbuo sa kaniya ng Aghanim’s Shard kung saan nagkakaroon ang hero ng spell immunity kasabay pa ng stun ability kaapg ginamit ang Starbreaker.
Napakadaling mag-adjust sa laro kapag hawak ang Dawnbreaker. Hindi susubukang bumili ng core Dawn ng Aghanim’s Scepter dahil may mas epektibong damage items na maaaring buuin para sa kaniya. Samantala, kapag support ang Dawn ay maaaring magpokus ang player sa pagkuha ng Holy Locket at Scepter na magbibigay ng hanep na sustain at evasion.
Kapag high-farm priority naman ang hero, mas mabilis naman makuha ng Dawn ang greedy items tulad ng Desolator para maka-angat ng mabilis at mapagana ang inaasam na snowball. Pero kung tanky ang gustong atake ng player sa hero ay mainam na bumuo ng Wraith Pact at Shard para makapag-ambag ng utility sa team. Makakasali din ng mabilis sa team fights ang hero kaya maganda ang aura effects nito kung gusto mag-split push.
Item build para sa Dawnbreaker

Kung susumahin, maaaring paghiwalayin ang role ni Valora bilang core o support.
Maaaring buuin ng cores ang build na ito:
- Soul Ring
- Phase Boots
- Echo Sabre
- Aghanim’s Shard
- Black King Bar
Para naman sa mga mid players, maaaring palitan ang Soul Ring ng Bottle. Palaging nag-cacast ng spells ang hero na ito kaya importante ang mana lalo na sa early game.
Sa mga players na gustong ilagay siya sa carry role, mainam na bumuo ng Desolator at Assault Cuirass. Maraming players din ang pumupunta sa linya ng pagbuo ng Blink Dagger dahil sa mas mabilis mapatama ang Starbreakers sa kalaban.
Sa mga players naman na gagamit sa Dawnbreaker bilang support, maaaring sundan ito:
- Arcane Boots
- Holy Locket
- Aghanim’s Scepter
- Aghanim’s Shard
- Drums of Endurance/Boots of Bearing
Mas malaki ang pokus ng hero sa utility at healing dito bagamat madalas na Glimmer Cape at Force Staff ang prayoridad ng ibang support heroes. May mga pagkakataong magagamit ang mga ito, ngunit dahil sa mobility ng hero, mas may kapasidad itong pumili ng ibang item choices.
Maganda rin ang Wraith Pact sa kaniya, at Lotus Orb na isa sa mga swabeng utility items. Maaaring i-disassemble ang Arcane Boots mula early game papuntang Holy Locket o Lotus kung gusto ng mas mataas na save potential.
Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Chest of Endless Days may 13 na bagong sets kabilang ang kauna-unahan para sa isang persona