Ang breakout star ng DOTA: Dragon’s Blood na si Marci ang pinakabagong hero na pinasok sa Captain’s Mode.

Napamalas na ng mga professional Dota 2 player kung gaano kabisa ang hero bilang support initiator salamat sa setup mula sa Rebound at forced reposition ng Dispose. Magandang buff din ang ibinibigay ng Sidekick at patunay ang ultimate niyang Unleash sa damage output potential niya.

Pero gaya ng lahat ng hero, may mga nauna nang hero na sadyang pangontra sa sidekick ni Mirana. Narito ang ilan sa mga pinakamabibisang counter kay Marci.


Lima sa pinakamagagandang counter kay Marci

  • Naga Siren
  • Pangolier
  • Dark Willow
  • Winter Wyvern
  • Earthshaker

Naga Siren

5 hero na mabisang counter kay Marci, ang baby-faced killer ng Dota 2
Credit: Valve

Bad trip ang mga illusions para kay Marci dahil siya ang tipo ng hero na mas gustong mag-focus sa mga single target.

Saklaw din ni Naga Siren bilang counter kay Marci ang mga iba pang hero na nakakapag-summon ng illusions gaya nina Phantom Lancer at Terrorblade. At bilang mga Agility-type hero na may matataas na armor, ‘di rin nila masyadong iindahin ang damage mula sa Unleash—bonus pa na wala siyang reliable na AOE damage para makapag-clear ng illusions.

Dabest si Naga Siren sa usapang ito dahil malakas din siya sa mga single target. Kayang-kaya lusawin ng mga Mirror Image illusions ang low-armor heroes tulad ni Marci, lalo na kung ‘di makagalaw dahil sa Ensnare.

Bukod sa mga ito, mabisang pangontra rin ang Song of the Siren sa ultimate ni Marci na may mahabang cooldown.


Pangolier

5 hero na mabisang counter kay Marci, ang baby-faced killer ng Dota 2
Credit: Valve

Mainit sa mata ni Marci ang mga hero na hindi malilikot—bagay na kasalungat para kay Pangolier.

Hindi ganoon kadali hulihin ang isang Pangolier. May mga senyales ang pag-initiate ni Marci dahil madalas ay kailangan niya ng kakampi para makapag-Rebound, tsaka makapag-Dispose. Counter kay Marci si Pangolier dahil pwede lang siyang mag-Swashbuckle para makalayo sa hero o mag-Roll Up para sa spell immunity.

Solid din ang Rolling Thunder para guluhin ang pwestuhan ni Marci at kanyang mga kakampi. Kabaligtaran ng paggulong habang spell immune ang pagtayo na gustong-gusto ni Marci.


Dark Willow

5 hero na mabisang counter kay Marci, ang baby-faced killer ng Dota 2
Credit: Valve

Isa si Dark Willow sa iilang supports na may pangtabla sa right-click damage, salamat sa Shadow Realm. Bukod pa ito sa iba niyang skills gaya ng Bramble Maze at Cursed Crown na peste sa mga hero na kailangan lumapit sa kalaban para may magawa, gaya ni Marci.

Ang parehong ultimates din ni Dark Willow ay counter kay Marci. Mahirap na hindi indahin ang damage ng Bedlam, lalo na kung susundan ito ng mataas na burst damage ng Shadow Realm. Mataas ang potensyal ni Mireska na maka-solo kill bago pa ito makasapak sa kanya.

Depensa naman ang ibinibigay ng Terrorize. Kung gagamitin ito pagkatapos ibitaw ng kalabang Marci ang Rebound, Dispose, at Unleash, tiyak na wala na itong magagawa sa team fight.


Winter Wyvern

5 hero na mabisang counter kay Marci, ang baby-faced killer ng Dota 2
Credit: Valve

Si Winter Wyvern ‘yung tipo ng support na hindi kailangan lumapit sa laban para makapag-ambag. Hagip na ng Splinter Blast at Arctic Burn ang mga kalaban bago pa ito makalapit kaya mabisa si Auroth bilang counter kay Marci.

Halos wala ring epekto ang Unleash sa Cold Embrace. At dahil kadalasan ay kailangan ni Marci ng mga kakampi para mas mabisang magamit ang Rebound at Sidekick, isang pindot lang ng Winter’s Curse ay mababaliktad na ang laban.


Earthshaker

5 hero na mabisang counter kay Marci, ang baby-faced killer ng Dota 2
Credit: Valve

Kung lockdown lang din naman ang pag-uusapan, wala nang tatalo kay Earthshaker. Kayang-kaya baligtarin ni Raigor ang ano initiation kaya isa siya sa mga counter kay Marci. Factor din na madalas ay nakatago ito para makapag-blink-in kaya hindi siya magiging ganon kadali para targetin ng Dispose.

Pero kahit mahuli, bentahe ni Earthshaker ang pagiging makunat niya, ‘di tulad ng ibang mga support. Sulit din ang free pathing na ibinibigay ng Aghanim’s Shard sa Fissure para makawala sa pambubugbog ni Marci.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Bakit nauuso ngayon ang Pudge carry sa Dota 2 pubs?