Isa nang beterano sa larangan ng Dota 2 si Evil Geniuses star Artour “Arteezy” Babaev, na nakapaglaro na ng halos 2,000 professional games. Mula sa pagiging bata at pabago-bagong midlaner, naging isa sa pinakamagagaling at pinaka-stable na hard carry siya sa scene.
Pero lahat ng manlalaro ay siguradong may pinagmulan.
Eksklusibong nakapanayam ng ONE Esports si Arteezy patungkol sa kanyang pagpasok sa pro Dota 2, kung paano siya na-inspire ng maalamat na midlaner ng Natus Vincere na si Danil “Dendi” Ishutin, at ang MLG Columbus na naglagay sa pangalan niya sa mapa.
Arteezy: “Dendi made me want to be the best mid player”

Noong nagsimulang maglaro ng Dota 2 si Arteezy, ginagawa niya lang ito dahil mukhang masaya itong laruin. Pero nabuhay ang kanyang competitive instinct dahil sa pinakaunang superstar ng laro na si Dendi.
“He was specifically saying things that I’d never heard anyone say, using phrases like creep aggro, these words that I didn’t know at the time,” kwento ng EG position-1 player. “That’s when I told myself I wanted to be the best mid player.”
Mula noon ay nakikipag-1v1 siya sa kanyang mga kaibigan at nagpopokus nang maigi sa unang limang minuto ng laning stage nang walang pakialam sa mga susunod na mangyayari sa laro.
Unang naranasan ni Arteezy ang competitive Dota sa mga online European tournament kasama ang Team Kaipi na pinangungunahan ni Jacky “EternalEnVy” Mao. Sa The Defense, nagkaroon siya ng tsansang makaharap ang maalamat na Pudge ng kanyang idolo na si Dendi ngunit natuklasan niya na hindi talaga swabeng maglaro nang may 180 ping mula sa Canada.
“I was really mad. I just couldn’t dodge any Hook. And after that, I got kicked [from the team] because I went to school.”
Nagsimula ang lahat sa MLG Columbus
Bilang isang high school student, masyado pang maaga para kay Arteezy ang maglaro ng professional Dota. Ngunit mahirap matiis ang isang tawag na mag-stand-in para kay Pittner “bOne7” Armand ng Speed Gaming sa MLG Columbus 2013.
“I had to convince my mom that I had to go to America. I told her this was a chance to see how it feels for me,” kwento niya.
Sa huli ay pinayagan siya ng kanyang mga magulang at maipit sa isang hindi komportableng sitwasyon sa edad na 16.
Isa si Arteezy sa mga manlalaro na naapektuhan ng malalang ticketing system. Dahil hindi nakakuha ng direct flight patungo sa siyudad kung saan nakatakdang ganapin ang torneo, tatlong miyembro ng koponan ang nagbyahe ng sumatotal na 30 oras mula sa iba’t-ibang plane at bus rides.
Dahil sa jetlag at pagod, mabagal ang panimula ng Speed Gaming sa torneo at natalo sila sa kanilang unang tatlong serye sa unang dalawang araw ng kompetisyon.
Kinailangan nilang ipanalo ang lima nilang laro sa ikatlong araw upang makapasok sa playoffs. Pintumba nila ang Na’Vi na kagagaling lamang mula sa second-place finish sa The International 3 maging ang kabubuo pa lamang na Chinese super team na Team DK sa kanilang huling match.
Sinakyan nila ang momentum hanggang sa championship series kung saan ni-reverse sweep nila ang DK matapos ang nakakahapong Game 1 na tumagal ng 85 minuto.
“I realized that my five minutes worked,” sabi ni Arteezy. “I thought I was the best laner because I beat people like Mushi.”
Dumating ang tsansa na umanib sa Evil Geniuses

Mainit pa mula sa kampeonato sa MLG Columbus, kinontak ng dating CEO ng EG si Arteezy para bumuo ng panibagong koponan at gawin ang kanyang unang hakbang patungo sa pagiging full-time Dota 2 professional player.
“After I brought back money, my dad was happy. He’s like, ‘OK, well, after you finish high school, you can do it.'”
Ngunit napagtanto niya na wala na siyang masyadong panahon dahil ang kanyang exam ay kasabay ng The International. Nakatapos lang siya matapos ang isa’t kalahating taon salamat sa pang-unawa ng kanyang math teacher.
Unang binuo nila Arteezy at NA Dota legends na sila Clinton “Fear” Loomis, Saahil “UNiVeRsE” Arora at Peter “ppd” Dager ang S A D B O Y S na agad kinuha ng Evil Geniuses.
“That’s when I started actually learning about Dota past five minutes,” saad ng 25-year-old Canadian pro.
Mula noon ay nakakuha siya ng maraming kampeonato at pagkilala, at nakasama ang ilan sa mga pinakamagagaling na manlalaro sa buong mundo sa EG maging sa Team Secret. Inukit ni Arteezy ang kanyang pangalan bilang isa sa pinakamahusay sa larangan ng Dota 2.
Hindi na masama para sa muntik na maging high school dropout.
Hango ito sa artikulo ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.