May masamang balita para sa mga nais makapanood ng marami pang streams ni Artour “Arteezy” Babaev. Ito ay hindi na siya interesado sa streaming.

Nagmarka ng pangalan ang Evil Geniuses carry sa pamamagitan ng kanyang malulupit na galawan bilang midlaner sa kanyang mga stream at tuluyang gumawa ng nakakaintrigang karera bilang isa sa pinakakilala at pinakamatagumpay na Dota 2 professional player.

Bagamat maraming fans ang nais pa siyang mapanood sa Twitch nang regular, sinabi niya sa isang eksklusibong panayam kasama ang ONE Esports na hindi na masaya ang pag-i-stream kagaya ng dati.


Arteezy: ‘Streaming is more of a profession than it used to be‘

Arteezy sa TI10
Credit: Valve

Laging patok ang EG star kapag nag-i-stream siya sa kanyang Twitch channel, may webcam man o wala. Nakahakot ang kanyang mga stream noong Nobyembre ng nakaraang taon ng mahigit 20,000 average viewers kada araw, ayon sa Twitch stats site na Sullygnome. Bilang batayan, ang stream ng isa sa pinakasikat na Dota 2 streamer na si Janne “Gorc” Stefanovski ay mayroong 12,000 average viewers sa kahit anong buwan.

Bagamat malaki ang mga numerong nakukuha niya, para kay Arteezy ang streaming ay mas propesyonal at mas kakapagod na ngayon hindi tulad ng dati.

“Even when I had a large audience in the past, I always viewed it as chilling with the fans,” saad ni Arteezy. “But now it’s a lot more. It’s not that fun.”

Ipinunto ng 25-year-old pro ang ilang dahilan sa mas mababang antas ng kasiyahan na nakukuha niya sa streaming, kabilang na ang hirap sa paghahanap ng magandang laro sa North American region at ang kanyang kagustuhan na magkaroon ng mas pribadong buhay.


Mas madaling ma-snipe at mahirap magpraktis dahil sa maliit na player pool ng NA Dota

Credit: Perfect World

Lumiit ang player pool sa North America sa mga nakalipas na taon at ngayon ay ito na ang pinakamaliit na rehiyon pagdating sa matchmaking games played, base sa Dota 2 stats website na Stratz. Humigit-kumulang 9.8 million matches lang ang nilaro sa NA noong Enero kumpara sa 24 million matches sa sumunod sa pinakamababang rehiyon na China.

Sinabi ng Canadian player na dahil sa maliit na player pool, mahirap magkaroon ng epektibong praktis. Kung nag-i-stream naman siya, may mga griefer na nagtatangkang i-snipe ang kanyang mga laro at sumasabay sa pag-queue para makasama siya.

“It’s really easy to get in my games now,” ani Arteezy. “I had people snipe me from Europe and playing Techies.”

“Especially being an NA player, US East is complete trash. It’s really hard to get effective practice. You really need to go out of your way to actually learn things when you play pubs these days.”


Arteezy: ‘I don’t really like sharing my life the same way that I used to‘

Credit: Evil Geniuses

Bahagi rin ng kanyang rason kung bakit lumalayo muna siya sa streaming ay ang impluwensiya na meron siya. Noong siya ay teenager, posible na siya ang nanguna sa “S A D B O Y S” NA culture na kumalat sa player base. Kabilang dito ang pagsasabi ng mga katagang “get me out of this game”, “I’m done”, at sadyang pagta-type ng random caps para lalong idiin ang wala pakialam na attitude.

“Back then, I didn’t know anything about that [influence]. I would just say random shit all the time. I’m sure I didn’t help the NA scene in that way,” kwento ni Arteezy.

Ngayon, ang kanyang public persona ay mas tahimik na. Bilang mature na 25-year-old, napagtanto niyang mas gusto niyang itago ang kanyang buhay. Kaya naman lumayo na rin siya sa social media at sa katunayan ay tinanggal niya ang kanyang Twitter sa kanyang phone.

“Back then, if I had a thought, I would just open my phone and tweet about it. And now, I don’t even bother with it. I just don’t really care about that aspect anymore.”


Pagsasalin ito ng artikulo ni Dexter Tan Guan Hao ng ONE Esports.