Inilabas na sa wakas ng Valve ang Dota 2 patch 7.31 at isa sa mga headline nito ay ang Techies rework.

Tinanggal na ang Remote Mines at Statis Traps, at pinalitan ito ng mga bagong pasabog. Ang tanong: pinaganda ba o pinlala lang ng mga pagbabagong ito sina Squee, Spleen, at Spoon?

Techies rework sa Dota 2 7.31: Ano-ano ang mga binago ng Valve?

May dalawang bagong skills si Techies: ang Sticky Bomb at Reactive Taser.

Binabato ang Sticky Bomb sa isang targeted area. Didikit ito sa kalaban, at magbibigay ng movement speed slow sa 250 radius. Pagkatapos ng dalawang segundo, puputok ito at magbibigay ng damage.

Techies rework sa Dota 2 7.31: Mas maganda o mas malala?
Credit: Valve

Pinapabilis naman ng Reactive Taser ang movement speed ni Techies sa loob ng anim na segundo. Sa loob ng oras na ‘to, sino mang hero ang papalo kay Techies ay madi-disarm sa loob ng tatlong segundo.

Pagkatapos ng buff, magdi-discharge ang skill ng AOE disarm. Ang naturang skill na rin ang napapalakas ng Aghanim’s Scepter. Pwede na ‘to i-cast sa kakampi at meron na rin itong 300 damage sa pagsabog.

Pareho pa rin naman ang konsepto ng Blast Off!, bukod sa maaari na itong maka-stun sa tulong ng Aghanim’s Shard.

Ultimate na ni Techies ang Proximity Mines, pero pinalakas na ang detonation at activation delay, charge restore time, at binabawasan na rin nito ang magic resistance ng mga kalabang masasabugan.

Sa kabila nito, tila pinahina naman ang damage nito dahil nakapende na sa distansya. Buong damage ang matatanggap ng kalaban kung nasa loob sila ng 150 radius, pero mababawasan ito ng hanggang sa 50% ‘pag nasa dulo ng 500 maximum radius ang kalaban.

Matatagpuan sa opisyal na hero page ni Techies ang kumpletong detalye tungkol sa kanyang mga skill.

Ano na ang role ni Techies?

Malamang ay mananatili pa rin sa support role si Techies, partikular na ang position four. Hindi naman masyado nagbago ang laning style niya—Blast Off! pa rin ang magandang kunin sa unang level dahil sa lakas ng damage nito, na pwede na ngayon sundan ng Sticky Bomb para sa follow-up damage.

Dahil mas maaga na pwedeng bilhin ang Aghanim’s Shard, meron na ring disenteng stun si Techies pagdating sa mid-game. ‘Di man na kasing lakas ang kakayahan niya pag dating sa high ground defense, hindi naman nagbago ang kalakasan niyang mag-clear ng waves at neutral camps salamat sa Sticky Bomb at Proximity Mines, kaya’t walang problema pagdating sa farm.

Dahil sa Techies rework, ‘di na nagkakalayo ang hero sa gaya nina Phoenix, Jakiro, at Venomancer. Opensa ang pangunahing bentahe nila dahil sa lakas ng damage na ibinibigay ng kanilang mga skills. Kulang man sa hard disable, pinunan naman ito ng napakaraming debuff.

Pwede rin paganahin si techies bilang pseudo-initiator sa tulong ng Blast Off! at Reactive Taser para mataboy ang kalaban. Pwede ring ipang-combo ang Sticky Bomb para mas madaling mapatama ang Blast Off! sa kalaban.

Solid pa rin ang Aether Lens kay Techies dahil sa mana regeneration at cast range na handog nito. Kasama rin dapat sa core item ang Aghanim’s Shard, habang makatutulong din ang Veil of Discord para mapalakas lalo ang damage output.

Mas maganda o mas malala nga ba ang Techies rework?

Techies rework sa Dota 2 7.31: Mas maganda o mas malala?
Credit: Valve

Sa totoo lang, mas malala ang Techies rework. Wala naman kasing ibang support hero ang kayang umubos sa buong kalaban sa pagpindot lang ng isang buton.

Bagamat frustrating ang konsepto ng naturang hero, ‘di maipagkakaila ang pagka-unique nito. ‘Pag-pick pa lang ng Techies ay nagiging horror game na ang Dota 2—magdadalawang-isip ka na maglagalag sa mapa dahil maaari kang mamatay sa isang maling tapak.

Pero ngayong wala nang Remote Mines, at tila pinahina naman ang Proximity Mines, halos wala nang dahilan para matakot. Mas pabor man sa kalakhang miyembro ng community ang pagkawala ng dati niyang ultimate, pero maaaring iba ang maging pananaw ng mga Techies mains.

Sa kabila nito, nananatili pa rin naman ang pinaka-konsepto ng hero sa kabila ng Techies rework. Kaso nga lang, mas bagay na siyang isama sa bakbakan kesa magtanim lang ng bomba buong laro.

Iilan lang din ang mga pro (gaya nina Jesse “JerAx” Vainikka, Zhao “XinQ” Zixing, at Kurtis “Aui_2000” Ling) na talagang gumagamit kay sa hero dati dahil sa dating paraan kung paano ito laruin. Pero dahil sa Techies rework, ‘di malabong mas maging viable na siya sa professional scene.

Maaari natin asahan kung paano ito gagamitin sa mga sumusunod na turneo gaya ng Gamers Galaxy Dota 2 Invitational pati na rin ang susunod na Tour ng Dota Pro Circuit.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: MidOne tinamaan ng COVID-19; Team SMG nag-withdraw sa BTS Pro Series Season 10: SEA