Inilabas na sa wakas ng Valve ang Dota 2 patch 7.31.

Dahil sa tagal ng itinakbo ng patch bago ito, kapansin-pansin ang dami ng mga pagbabagong inilatag.

Nilista ng ONE Esports Philippines ang lima sa mga bagong bagay na dapat asahan sa bagong patch ng Dota 2.


Si Primal Beast, ang bagong Dota 2 hero

5 bagay na bago sa Dota 2 patch 7.31
Credit: Valve

Bago pa man tuluyang ilabas ng Valve ang bagong update, nagkaroon na ng easter egg sa laro patungkol sa pagdating ni Primal Beast.

Unang nakilala bilang boss sa Aghanim’s Labyrinth: The Continuum Conundrum, si Primal Beast ay isang Strength hero na panay crowd control ang skills. Inaasahan nitong punan ang role ng pagiging makunat na initiator sa unang tingin.


Bagong attack at armor types

5 bagay na bago sa Dota 2 patch 7.31
Credit: Valve

Hindi na bago ang mechanic na ‘to kung tutuusin dahil naunang nagkaroon ng ganito noong custom map pa lang sa Warcraft III: Frozen Throne ang DotA. Bagamat may iilang mechanic na ibinalik, meron din namang mga attack at armor types na ngayon pa lang ipinakilala sa Dota 2 patch 7.31.

Ang attack at armor types na ‘to ay nire-represent bilang abilities.

  • Piercing: dagdag 150% damage sa mga non-hero units, gaya ng summoned units, pero mas mahina ng 50% ang damage kontra Standard Units. May Piercing ability ang mga Ranged creeps, mga upgrade nito, pati na ang Serpent Wards ni Shadow Shaman at Plague Wards ni Venomancer.
  • Reinforced: dagdag 150% damage sa mga units na may Reinforced ability din. Dagdag 50% damage reduction naman laban sa mga hero at 30% sa mga non-hero units. May Reinforced ability ang buildings at siege creeps.
  • Runty: Mas mahina ng 25% ang damage ng mga units na may Runty ability laban sa mga hero. Ang mga melee creeps at mga upgrade nito ay may ganitong ability.

Bagong jungle mechanics

5 bagay na bago sa Dota 2 patch 7.31
Credit: Valve

Kasabay ng pag dating ng Primal Beast sa Dota 2 patch 7.31 ang paglakas ng mga jungle creeps. Hindi na sila basta piangkukunan ng pera dahil mas may kakayahan na silang lumaban pabalik salamat sa mga bagong ability.

Bukod dito, ipinakilala rin ni Valve sa Dota 2 patch 7.31 ang 3 bagong neutral creeps—ang Ancient Ice Shaman, Ancient Frostbitten Golem, at Warpine Raider.


3 bagong items

5 bagay na bago sa Dota 2 patch 7.31
Credit: Valve

Lahat ng bagong item—ang Revenant’s Brooch, Wraith Pact, at Boots of Bearing—na ipinakilala sa unang pagkakataon ng Valve ay pang-upgrade ng mga nauna nang item.

Marami-rami ring mga item ang ni-rework sa Dota 2 patch 7.31 gaya na lang ng Bloodstone, Orchid of Malevolence, Bloodthorn, at Ethereal Blade.


Bagong Techies

5 bagay na bago sa Dota 2 patch 7.31
Credit: Valve

Matatandaang ibinida ng Valve na may kinalaman kay Techies ang bagong patch, kasabay ng pag-anunsyo nila sa petsa kung kailan ito ilalabas.

Bagamat pabirong inaasahan ng community ang pagkaka-delete sa wakas ng naturang hero, rework sa mga skill ng hero ang inimplementa. Wala na ang Remote Mines at Statis Trap dahil pinalitan ito ng dalawang bagong abilities, ang Sticky Bomb at Reactive Tazer.

Proximity Mines na rin ang ultimate ni Techies, habang hindi na nakamamatay ang damage ng Blast Off! para sa kanila.


Mababasa ang kumpletong listahan ng Dota 2 patch 7.31 dito.

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa DPC, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Kumpletong resulta ng DPC Regional Finals