Nairaos na ang Dota Pro Circuit (DPC) Regional Finals sa anim na rehiyon—Southeast Asia, Western Europe, South America, China, Eastern Europe, at North America.

Inilunsad ng Valve ang DPC Regional Finals bilang pamalit sa unang Major tournament na kinansela dahil sa banta ng COVID-19.

Bago tuluyang magsimula ang ikalawang tour ng DPC 2021-2022 sa parehong divisions, narito ang kumpletong resulta ng nagdaang DPC Regional Finals.

Resulta ng DPC Regional Finals sa Southeast Asia

Kumpletong resulta ng DPC Regional Finals
Credit: BOOM Esports
PLACEKOPONANDPC POINTSPRIZE MONEY
1stBOOM Esports250US$50,000
2ndT1130US$25,000
3rdTeam SMG0US$15,000
4thFnatic0US$10,000

Hindi nalayo ang resulta ng DPC SEA Tour 1 Division 1 sa naging resulta ng DPC SEA Regional Finals. Nanatiling hari ng rehiyon ang BOOM Esports matapos mangibabaw kontra T1 sa best-of-five final.

Sa ngayon, naka-upo na ang BOOM Esports sa ikatlong spot ng DPC rankings, kargado ng 450 points. Sila lang sa ngayon ang tanging koponan mula sa Southeast Asia ang pasok sa top 12, bago magsimula ang ikalawang tour ng DPC.

Resulta ng DPC Regional Finals sa Western Europe

Kumpletong resulta ng DPC Regional Finals
Credit: Gaimin Gladiators
PLACEKOPONANDPC POINTSPRIZE MONEY
1stGaimin Gladiators250US$50,000
2ndTeam Liquid130US$25,000
3rdOG0US$15,000
4thTundra Esports0US$10,000

Tila buwenas naman ang pagkuha ng Gaimin Gladiators sa Dota 2 roster ng Team Tickles. Kampeonato kasi agad ang naiselyo ng koponan sa unang kampanya nito sa ilalim ng nasabing organisasyon matapos talunin ang Team Liquid sa grand final ng DPC WEU Regional Final.

Ika-apat ngayon ang Gaimin Gladiator sa DPC ranking na may 430 points. Sinasamahan sila sa top 12 ng kapwa WEU team na Team Liquid, na may 430 points din.

Resulta ng DPC Regional Finals sa South America

Kumpletong resulta ng DPC Regional Finals
Credit: beastcoast
PLACEKOPONANDPC POINTSPRIZE MONEY
1stbeastcoast250US$50,000
2ndInfamous130US$25,000
3rdThunder Awaken0US$15,000
4thAPU King of Kings0US$10,000

Magkaiba ang performance na ipinamalas ng beastcoast sa DPC SA Tour 1 Division at sa DPC SA Regional Finals. Sa naunang paligsahan kasi, nagtapos lang sila sa ikatlong puwesto, kaya’t nakamamangha ang kanilang pagpapakitang-gilas sa sumunod na palakasan.

beastcoast din ang nangunguna sa mga SA teams pagdating sa DPC standings matapos makalikom ng 370 points bago sumabak sa ikalawang tour. Sinasamahan sila ng Thunder Awaken, na may 255 DPC points, at Infamous na may 223.98 points.

Resulta ng DPC Regional Finals sa China

Kumpletong resulta ng DPC Regional Finals
Credit: PSG.LGD
PLACEKOPONANDPC POINTSPRIZE MONEY
1stPSG.LGD250US$50,000
2ndRoyal Never Give Up130US$25,000
3rdTeam Aster0US$15,000
4thEHOME0US$10,000

Bagong season, pero parehong pangingibabaw ang ipinakita ng PSG.LGD sa unang tour ng DPC. Tinapos nila ang kampanya sa DPC CN Tour 1 Division 1 at DPC CN Regional Finals nang hindi natatalo kahit isang serye.

Sila ngayong ang namumuno sa DPC rankings na may 550 points. Pasok din sa top 12 ang kapwa nila CN team na Royal Never Give Up na may 250 points.

Resulta ng DPC Regional Finals sa Eastern Europe

Kumpletong resulta ng DPC Regional Finals
Credit: Team Spirit
PLACEKOPONANDPC POINTSPRIZE MONEY
1stTeam Spirit250US$50,000
2ndVirtus.pro130US$25,000
3rdHellRaisers0US$15,000
4thPuckChamp0US$10,000

Same vibes ang PSG.LGD at kasalukuyang may hawak ng Aegis of Champions na Team Spirit. ‘Di nga lang tulad ng tinalo nila sa grand finals ng The International 10, napadugo sila ng HellRaisers bago tuluyang sungkitin ang isa nanamang kampeonato mula sa DPC EEU Regional Finals.

Tied sa tugatog ng standings ang Team Spirit at PSG.LGD na parehong may 550 DPC points. Sila lang ang tanging koponan mula sa EEU na nasa top 12 ng rankings.

Resulta ng DPC Regional Finals sa North America

Kumpletong resulta ng DPC Regional Finals
Credit: TSM
PLACEKOPONANDPC POINTSPRIZE MONEY
1stTSM FTX250US$50,000
2ndEvil Geniuses130US$25,000
3rdQuincy Crew0US$15,000
4th4Zoomers0US$10,000

Gaya ng Gaimin Gladiators, kampeonato rin ang inihandog ng dating Team Undying Dota 2 roster matapos silang kunin ng TSM FTX. Tinalo nina David “MoonMeander” Tan ang Evil Geniuses sa isang dikit na grand final ng DPC NA Regional Finals.

Tied ngayon ang TSM FTX sa ika-apat na puwesto sa DPC rankings kasama ang Team Liquid at Gaimin Gladiators. Pasok din sa top 12 Quincy Crew, na may 300 points, at Evil Geniuses, na may 250 points.


Nakatakdang magsimula ang ikalawang tour ng DPC 2021-2022 sa Marso. Paglalaban-labanan naman dito ang pagkakataon na maka-qualify, hindi na sa DPC Regional Finals, kung hindi sa ESL Stockholm Major, ang unang Major tournament ng taon.

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa DPC, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.