Ang unang Major tournament ng Dota Pro Circuit 2021-2022 ay gaganapin sa Stockholm, Sweden.

Ang ESL Stockholm ang unang Dota 2 Major kung saan papayagan ang live crowd, anunsyo ng nasabing tournament organizer. Huli itong nangyari sa Leipzig Major noong Enero 2020.

Kung tutuusin, ito na dapat ang ikalawang Major ng kasalukuyang season, pero dahil nakansela ang Winter Major dahil sa banta ng COVID-19, ito ang magiging unang Major ng 2022.

Schedule at format ng ESL Stockholm Dota 2 Major

ESL Stockholm Dota 2 Major gaganapin nang may live audience sa Mayo
Credit: Valve

18 koponan ang magbabakbakan sa ESL Stockholm Dota 2 Major para sa US$500,000 (₱25,000,000+) na prize pool at 3,530 Dota Pro Circuit points.

REGIONMAJOR SLOTS
Western Europe4
Eastern Europe3
China4
Southeast Asia3
North America2
South America2

Magsisimula ang group stage sa ika-12 ng Mayo. Mahahati sa dalawang grupo ang mga kalahok na sasabak sa best-of-two round robin, gaya sa format ng The International. Ang top four teams sa bawat grupo ay masi-seed sa upper bracket, habang ang top five-six na teams naman ay mapupunta sa lower bracket ng playoffs.

Gaganapin ang double-elimination playoffs simula sa ika-20 hanggang ika-22 ng Mayo sa Hovet Arena Stockholm, kung saan papayagang manood nang live ang mga audience.

Ang ticket sales para sa ESL Stockholm Dota 2 Major ay magsisimula sa ika-18 ng Pebrero, sa ganap na ika-12 ng madaling araw.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.